Mga Bitak Sa Sakong – Masakit at Dumudugo

May mga bitak bitak ka ba sa sakong at paa? Ang ganitong uri ng problema sa balat ay may solusyon at hindi ka dapat magdusa. Ang crack sa balat ng paa ay maaaring hindi isang sakit kundi isang problemang pangkalusugan lamang.

Sintomas at Senyales

Ang mga paa ay maaaring magkaroon ng mga biyak biyak na parte ng balat. Ito ay pwedeng mangyari sa alinman sa mga parte na ito:


  • Bitak bitak sa sakong at ilalim ng daliri sa paa
  • Magaspang na ilalim ng paa
  • Talampakan na may bitak bitak
  • Dumudugo na sugat sa sakong
  • Crack sa gilid ng sakong

Bakit Ito Nangyayari?

Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring dahil sa pagkatuyo ng balat. Madalas ito ay nangyayari kapag kulang sa moisture ang mga paa.

Samantala, may mga ilang sakit na pwedeng maging dahilan ng pagkabiyak ng mga balat sa paa. Kung ikaw ay dehydrated, pwede itong mangyari. May ilang mga kaso rin ng auto-immune diseases na tinatawag kung saan nagkakaproblema sa iba’t ibang bahagi ng katawan lalo na sa balat.

Ang kawalan ng magandang sapin sa paa ay pwede ring mgaing dahilan ng pagbitak ng mga ito. Kung ikaw ay gumagamit ng mga sapatos na masikip, hindi magandang tsinelas o kaya naman ay may allergy sa materyales ng sapatos, pwede ka ring magkaroon ng mga biyak.

Ano Ang Lunas?

Ang simpleng paglalagay ng miosturizer sa mga paa ay makakatulong na para maiwasan ang mga biyak. May mga lotion at moisturizing creams na mabibili para sa paa at madalas ito ay may organic at natural na sangkap para kuminis ulit ang talampakan at sakong.

Bakit Ito Dumudugo?

Kapag masyado nang malalim ang bitak, ito ay pwedeng maging sugat. Ito ay nagdudulot ng pagdurugo dahil nabibiyak pati ang ilalim ng parte ng balat.

Iwasan na ito ay madumihan dahil maaari itong maipeksiyon. Dapat na maghugas palagi ng paa at linisin ito. Siguruhin na ingatang matuyuan ang balat para hindi lumala ang mga bitak.

Pwede Ba Ang Foot Scrub?

Hangga’t maaari, iwasan muna ang anumang treatment sa paa gaya ng foot scrub kung ito ay may sugat na. Kung wala naman, ay dapat na ingatan na huwag itong masugatan at dahan dahanin ang paglilinis gamit ang scrub.

error: Copyright Protected!