Masakit Na Puson: Mga Dahilan at Gamot

Madalas ka bang magkaroon ng masakit na puson? May mga dahilan kung bakit ito nangyayari at magkaiba ang mga ito sa lalaki at babae. Kung madalas mo itong maranasan, dapat mong alamin ang mga sakit na may kaugnayan dito.

Dahilan ng Masakit na Puson

Bakit masakit ang puson sa mga lalaki? Ilan sa posibleng dahilan ay UTI, pamamaga ng prostate (prostatitis) o prostate cancer. May ilang dahilan din tulad ng appendicitis o gall stones na pwedeng maging sanhi nito. Ang masakit na puson sa mga babae ay pwedeng may kinalaman sa dysmenorrhea o menopause.

Related: Ano ang Prostate Cancer

Mga Sakit Na Nagdudulot ng Masakit na Puson sa Lalake at Babae

Ilan sa mga ito ay pwedeng magdulot ng pananakit sa ibaba ng pusod o puson.

  • UTI o Urinary Tract Infection
  • Gall Stones
  • Kidney Stones
  • Appendicitis
  • STD o Sexually Transmitted disease
  • Cancer – Prostate, Colon, Ovarian, Cervical Cancer

Alamin kung ano ang sakit na dahilan sa iyong puson.

Sintomas

Ang masakit na puson ay maaaring may iba’t-ibang sintomas. Narito ang madalas na nararamdaman ng mga meron nito:

  • Masakit na parang tumutusok sa loob ng puson
  • Parang naiihi palagi
  • Hirap tumayo o uminat (stretching) ng katawan
  • Masakit na puson kapag umiihi o dumudumi
  • Sakit na di pangkaraniwan kapag may menstruation
  • Masakit kapag naglalabas ng semilya
  • Mainit na pakiramdam sa loob ng puson
  • Parang namamnhid sa loob
  • Sumasakit ang puson kasama ang baywang at balakang

Bakit Sumasakit ang Puson Ko?

Sa parehong babae at lalaki, ang pananakit ng bahagi na ito ng katawan ay posibleng may kaugnayan sa reproductive system. Ngunit may mga sakit din na may kaugnayan sa pagdumi at pag-ihi, gaya ng UTI kaya dapat mong alamin kung bakit may pananakit kang nararamdaman.

Ang mga posibleng sakit na may kaugnayan sa digestive system ay:

  • Appendicitis – Masakit ba ang puson kapag may appendicitis? May mga pagkakaton na ito ay pwedeng mangyari.
  • Colon Cancer
  • Constipation

Ang pantog o gall bladder ay posibleng maimpeksiyong dahil sa UTI o urinary tract infection. Pwede itong makuha ng parehong babae at lalaki. Kapag ito ay may impeksiyon, ito ay namamaga at karaniwang nagbibigay ng masakit na pakiramdam. Madalas ito ay may kasamang sintomas gaya ng dugo sa ihi, lagnat at panghihina.

May mga pagkakataon kung saan ang pananakit ay dahil lamang sa masikip na damit. Kapag naiipit ang puson, pwede itong sumakit dahil sa garter o sinturon ng pantalon o shorts. Ang masisikip na underwear ay pwede ring magdulot nito gaya ng supporter o jockstrap sa mga lalaki.

Posibleng mga sakit:

Sa mga babae, ang puson na masakit ay pwedeng dahil sa mga sumusunod:

  • Kidney stones o  gall bladder stones – Narito ang ilang pictures ng gall stones.
  • Cervical cancer
  • Cancer sa ovaries (matris) – ayon sa Mayoclinic, ang cervical cancer ay pwedeng may pagdurugo

Masakit na Puson sa mga Lalaki

May mga sakit na pang-lalaki lamang na pwedeng maging sanhi ng masakit na puson. Isa rito ay pamamaga ng prostate gland. Ito ang nagbibigay ng likido sa semilya ng lalaki. Pwede itong mamaga dahil sa katandaan o impeksyon. Ang mga lalaking 40 years old pataas ay posibleng magkaroon nito. Ang pamamaga ng prostate ay pwedeng dahil sa pagbabago sa hormone o kaya naman impeksiyon rito.

Posibleng mga sakit:

Prostate cancer – Ayon sa Mayoclinic, ang pananakit ng puson ay pwedeng sintomas ng prostate cancer.

Ang Prostate cancer ay pwede ring maging dahilan nito. Pero madalas ay nasa advanced stage na ng cancer kapag may masakit na nararamdaman. Dahil dito, mahalaga na magpa-check up sa doctor kapag ikaw ay 40 years old pataas. Ang digital rectal exam o DRE ay sinusundot ang puwet hanggang makapa ang prostate gland. Ang isang urologist na doktor ang pwedeng gumawa nito. Kapag ang prostate ay may cancer, madalas na ito ay matigas at buo sa pakiramdam.

Maliban sa DRE, ang doktor ay posible ring magrequest ng PSA o prostate specific antigen. Ito ay sa pamamagitan ng blood test upang nakita kung may senyales ng kanser ang isang tao.

Testicular Cancer – cancer sa bayag na pwedeng may tumor

Sakit sa Puson ng Babae

Sa babae, may mga kondisyon din na nagiging sanhi ng sakit sa puson. Ito ay pwedeng related sa ovaries. Ang babaeng may sintomas ng ovarian cancer, cervical cancer o uterus cancer ay maaaring makaranas ng masakit na puson. Maliban sa mga sintomas ng pananakit, maaari ring magkaroon ng magdurugo ang babae kahit siya ay menopause na kung ito ay dahilan ng kanser.

Pwede rin siyang mabawasan ng timbang, mawalan ng gana sa pagkain at manghina. Importante na mapatingnan sa isang OB Gyne na doktor ang mga sintomas na ito upang maagang magamot. Ang cancer ay maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan kapag napabayaan.

Mga Posibleng Sakit

Sa parehong babae at lalaki, pwedeng dahil ito sa UTI o urinary tract infection. Sasakit ang bahaging ito kung may infection sa daluyan ng ihi. Paano nakukuha ang UTI?

Ang dysmenorrhea ay ngdudulot din ng sakit. Pero ito ay lilipas din at pwedeng mawala sa pag-inom ng gamot. Sa mga babae, ito ay pananakit na madalas ay matindi sa pakiramdam. May kaakibat din itong pagkahilo o pagsusuka.

Sasakit din ang puson kung may problema sa pantog at may pamamaga. Samantala, ang cancer sa colon ay pwede ring magkaroon ng pananakit sa ibabang bahagi ng katawan lalo na kung ang kanser ay kumalat na. Ang colon ang malaking bituka papunta sa butas ng puwet. Kapag ito ay nagkaroon ng cancer at lumala, pwede nitong madamay ang mga sensayson sa puson, baywang at balakang o ibabang likod na bahagi.

Importante na magpa-colon cancer screening kada taon kung ikaw ay nasa risk level. Ang colonoscopy ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpasok ng camera sa puwet upang makita kung may tumor sa loob ng colon. Ang mga taong 40 years old pataas ay dapat nang magpa-screening nito.

May gamot ba para mawala ang sakit?

Kung simpleng sakit lamang ito na related sa muscles, pwedeng magamot ito ng pain reliever. Pero hindi dapat ipagsawalang bahala ang sakit na ito at kailangan mo pa rin komunsulta sa doktor lalo na kung madalas na nangyayari.

Ang pagmamasahe sa bahagi nito ay posibleng makaginhawa panandalian. Dapat mo ring malaman na ang pagkonsulta sa doktor ay importante lalo na ang puson ay isa sa maselang bahagi ng katawan. Kung ang dahilan ng sakit ay dahil sa UTI, may mga antibiotic na pwedeng ibigay ng doktor. Kadalasan, ito ay iniinom sa loob ng 2 to 4 na linggo.

Ang colon cancer, prostate at ovarian cancer naman ay ginagamot sa pamamagitan ng rekomendadong paraan ng doktor. Maaari itong radiation, surgery, chemotherapy at iba pa.

Mga Medical Test sa Puson

May mga test na pwedeng ibigay ang doktor para malaman ang dahilan ng pananakit sa puson. Ang mga ito ay ultrasound, x-ray, rectal exam, pap smear, urinalysis, PSA test at iba pa. Ang doktor para sa puson ay pwedeng isang urologist.

Ang doktor ay pwede ring gumamit muna nang abdominal examination para malaman sa pisikal kung may bukol sa bandang puson. Ngunit pwede ring gumamit ng ilan pang methods gaya ng:

  • Urinalysis
  • Ultrasound
  • MRI para sa puson

Buntis ba kapag masakit ang puson?

Sa ilang babae ang pananakit ng puson ay pwedeng dahil sa pagbubuntis.

Doktor para sa Masakit na Puson

Ang isang urologist para sa mga lalaki ay pwedeng konsultahin kung ang pananakit ay may relasyon sa pag-ihi. Kung sa tingin mo ito naman ay dahil sa reproductive organ, pwede rin itong ikonsulta sa isang OB Gynecologist sa mga babae.

Pag masakit ang puson ibig sabihin ba may STD tulad ng Tulo, Gonorrhea, Chalmydia o HIV at AIDS?

Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor para malaman sa blood test o sa urinalysis kung ikaw ay may mga ganitong uri ng infection.

Iba pang dapat bantayan na sintomas:

Hirap o masakit kapag umiihi

May lumalabas na nana o mabahong likido sa ari

May lagnat

Masakit kapag naglalabas ng semilya

Masakit kapag may menstruation

Sources: Mayoclinic, WebMD, Medscape, Healthline,

By
Last updated on

error: Copyright Protected!