Bakit Mahapdi Kapag Umiihi – Sintomas ng UTI at Cancer

Ang masakit na pag-ihi ay maraming dahilan. Ang pinakamagandang paraan para malunasan ito ay malaman ang sanhi ng sakit. Kung palagi kang nahihirapan umihi at may sakit na nararamdaman habang umiihi, alamin mo ang posibleng dahilan nito.

Ano ang Dahilan ng Masakit na Ihi

Pwedeng ito ay sintomas ng UTI. Halimbawa ay Gonorrhea, Tulo, Chlamydia at iba pa. Kung ito naman ay dahil sa cancer, may iba pang sintomas na dapat bantayan gaya ng pagbaba ng timbang, pagkakaroon ng lagnat, pagdurugo at senyales ng impeksyon.


Related: Sintomas ng Tulo

Ilan sa mga sumusunod ay pwedeng dahilan ng masakit na paglabas ng ihi.

Sintomas ng Cancer

Sintomas ng AIDS HIV

Posibleng Sakit Kapag Mahapdi Ang Pag-Ihi

  • UTI o urinary tract infection
  • STD – gonorrhea, tulo, chlamydia
  • Cancer
  • Irritation sa labasan ng ihi

Alamin kung ano ang posibleng sakit mo para malunasan agad.

Mga Sintomas ng UTI

Madalas na ang taong may UTI ay masakit ang pag-ihi. Kapag ikaw ay may infection, pwede mo maranasan ang mga ito:

  • Mahapdi na pag ihi
  • Masakit na paglabas ng semilya
  • Parang bitin na pag ihi
  • Palaging may balisawsaw
  • Dugo sa ihi (Dahilan ng dugo sa ihi)
  • Konti ang ihi na nilalabas
  • May nana na lumalabas sa ari
  • Namumulang ari

Anong Doktor and Dapat Konsultahin?

Ang doktor sa ihi at urologist. Pero pwede ka rin magpa-check up sa mga family doctor at general medicine. May mga ipapagawang test para malaman ang sanhi ng masakit na paglabas ng ihi. Ito ay urinalysis, ultrasound, blood chemistry at kahi na digital rectal exam sa mga lalaki.

Ito ba ay Kanser sa Penis o Ari ng Lalaki?

Kailangan mong magpa-konsulta sa doctor para malaman kung ito ay cancer. Ang ari ng lalaki ay pwedeng magkaroon ng mga sintomas na maaaring may relasyon sa cancer sa prostate at bayag.

Minsan, ang mga impeksyon sa ari ng lalaki ay pwedeng magdulot ng painit na ihi o mahapding paglkabas nito. Kung ito ay may kasaman dugo o nana, importante na makita ito ng isang doctor.

Ito ba ay Sintomas ng Kanser sa Ovary?

Importante na magpa-check up sa isan OB Gyne para malaman ang sanhi nito. Ang mga kababaihan ay may ibang pangangailangan sa kanilang reproductive health. Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong sintomas, magpatingin sa isang doctor.

References: Cleveland Clinic

error: Copyright Protected!