Ilan sa posibleng dahilan ay UTI, pamamaga ng prostate (prostatitis) o prostate cancer. May ilang dahilan din tulad ng appendicitis o gall stones na pwedeng maging sanhi ng pagsakit sa parteng ito.
Ang masakit naman sa mga babae ay pwedeng may kinalaman sa dysmenorrhea o menopause.
Pero hindi tayo dapat mag-assume kaagad na may malubha tayong sakit dahil doctor lang ang pwedeng mag diagnose nito.
Ano pa ba ang ibang pwedeng dahilan?
- UTI o Urinary Tract Infection
- Gall Stones
- Kidney Stones
- Appendicitis
- STD o Sexually Transmitted disease
- Cancer – Prostate, Colon, Ovarian, Cervical Cancer
Halimbawa ng Sintomas Mo
Narito ang madalas na nararamdaman ng mga pasyente:
- Masakit na parang tumutusok sa loob ng puson
- Parang naiihi palagi
- Hirap tumayo o uminat (stretching) ng katawan
- Masakit na puson kapag umiihi o dumudumi
- Sakit na di pangkaraniwan kapag may menstruation
- Masakit kapag naglalabas ng semilya
- Mainit na pakiramdam sa loob ng puson
- Parang namamnhid sa loob
- Sumasakit ang puson kasama ang baywang at balakang
May mga pagkakataon kung saan ang pananakit ay dahil lamang sa masikip na damit. Kapag naiipit ang puson, pwede itong sumakit dahil sa garter o sinturon ng pantalon o shorts. Ang masisikip na underwear ay pwede ring magdulot nito gaya ng supporter o jockstrap sa mga lalaki.
Para sa Lalaki
- May mga sakit na pang-lalaki lamang na pwedeng maging sanhi ng pain. Isa rito ay pamamaga ng prostate gland.
- Ang Prostate cancer ay pwede ring maging dahilan nito. Pero madalas ay nasa advanced stage na ng cancer kapag may masakit na nararamdaman.
Sakit sa Babae
- Sa babae, may mga kondisyon din na nagiging sanhi ng sakit sa puson. Ang babaeng may sintomas ng ovarian, cervical o uterus cancer ay maaaring makaranas ng masakit na puson.
- Ang Dysmenorrhea ng mga babae ay pwede ring magdulot ng pananakit sa puson.
May gamot ba para mawala ang sakit?
Kung simpleng sakit lamang ito na related sa muscles, pwedeng magamot ito ng pain reliever. Pero hindi dapat ipagsawalang bahala ang sakit na ito at kailangan mo pa rin komunsulta sa doktor lalo na kung madalas na nangyayari.
Kung ang dahilan ng sakit ay dahil sa UTI, may mga antibiotic na pwedeng ibigay ng doktor. Kadalasan, ito ay iniinom sa loob ng 2 to 4 na linggo.
Ang colon cancer, prostate at ovarian cancer naman ay ginagamot sa pamamagitan ng rekomendadong paraan ng doktor. Maaari itong radiation, surgery, chemotherapy at iba pa.
Mga Pwedeng Ipagawa ng Doctor:
- Urinalysis
- Blood chemistry
- Ultrasound
- Prostate exam
- Pap smear
Sources: Mayoclinic, WebMD, Medscape, Healthline,