Ilan sa posibleng sakit na sanhi ng pananakit sa bayag ay testicular cancer, hernia (luslos), STD o kaya naman simpleng trauma lang. Ayon sa Mayoclinic, pwede ring sumakit ito kung namamaga ang epididymis.
Maaaring ito ay sumakit dahil nabunggo o kaya naman natamaan ng matigas na bagay. Ang masikip na underwear ay pwede ring dahilan nito.
Depende ito sa diagnosis ng doktor. Kung ito ay may ordinaryong muscle ache lang, maaari syang magbigay ng pain reliever. Tayong mga lalaki ay minsan nakakaranas ng naiipitan na posibleng sa muscles lang.
Kung masikip ang damit lalo na ng briefs, pwede maibit ang itlog.
Kung kailangan ng iba pang tests, pwede syang magrekomenda ng ultrasound o kaya MRI. Ang mga kaso ng cancer sa bayag ay pwedeng magamot ng chemotherapy o radiation.
Doktor Para sa Bayag
Ang isang urologist ay eksperto sa mga sakit na may relasyon sa ari ng lalaki at pag-ihi. May mga test na kailangang gawin para malaman ang sanhi ng pananakit sa bayag. Kung ikaw ay malapit sa isang ospital, hanapin ang isang urologist para magpa check-up.
Ang anumang pagbabago sa iyong katawan ay dapat bantayan. Kung ikaw ay may nakikitang dugo sa ihi, dugo sa semilya, nana na lumalabas sa ari o namumulang ari, ito ay ipa-check up agad sa doktor.
Note: Dahil lang may masakit sa bayag mo ay hindi nangangahulugan na meron ka ng mga nasabing sakit. Importante na kumonsulta sa isang doktor gaya ng urologist.
References from Healthline and Mayoclinic