Arthritis, colon cancer, prostate cancer, herniated disc at muscle strain ay ilan lamang sa mga posibleng dahilan ng masakit na balakang. Importante na malaman ng doktor ang mga sintomas mo para maibigay ang tests at gamot na kailangan.
Ayon sa Cleveland Clinic, isa sa pinakamadalas na sanhi nito ay sprain at sobrang pagod. Kung palagi kang nakayuko, sigurado sasakit ang balakang mo.
Dahil sa marami itong posibleng dahilan, mas mabuti kung magpatingin ka na sa doctor. Magre-request siya ng mga test na may kinalaman dito gaya ng x-ray, ct scan o ultrasound.
Mga Posibleng Test na Ipapagawa ng Doctor:
- X-ray
- Ultrasound
- Colonoscopy
- Prostate exam
Ang doktor ang ang pwedeng magbigay ng gamot para sa pananakit. Sa aking experience, ang mga common na binibigay nila ay:
- Pain relievers
- Masahe
- Physical Therapy
- Exercise
Ang balakang ay may buto at muscles. Kung sa tingin mo ang sakit ay dahil dito, pwede kang kumonsulta sa isang orthopedic surgeon na tinatawag. Pwede ka rin magpa-check up sa isang general o family medicine.
Pero kung may napansin kang agbabago ihi, pagdurugo at paglabas ng semilya ay pwedeng ikonsulta sa isang OB Gyne (sa mga babae) o Urologist (sa mga lalaki). Ang rayuma at arthritis naman ay posibleng magamot ng isang rheumatologist.
Source: Medicinenet