Ang madalas na pagdurugo ng gilagid ay maaaring may kinalaman sa impeksiyon o gingivitis. Kadalasan, ang taong may ganitong sintomas ay nakakaranas ng pagdurugo at may kasamang pamamaga ng gilagid.
Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagdurugo ay ang mga sumusunod:
- Gingivitis – ayon sa Healthline, ang gingivitis ay isang uri ng impeksyon sa gilagid dulot ng mga bacteria at sugat. Pwede rin itong mangyari sa mga gilagid na hindi nalilinisan mabuti.
- Mga Pagpapagawa ng Ngipin – ang mga ngipin ay pwedeng sumailalam sa ilang procedures. Ang gilagid na may dugo ay maaaring mangyari matapos ang jacket, braces, bunot, wisdom tooth na bunot o kaya simpleng pagsesepilyo.
Ang pagdurugo ay hindi sakit kundi isang sintomas. Kung ang dentista ay may nakitang impeksyon, ang antibiotic na gamot ang kanyang ibibigay. Madalas na ito ay iniinom sa loob ng isang linggo hanggang sa mawala ang pamamaga ng gilagid.
Ang toothpaste na may fluoride, green tea o kahit anong panlaban sa pagkabulok ng ngipin ay mabisa para iwasan ang impeksiyon sa gilagid.