Dahilan Kung Bakit Ngongo Ako Palagi

Ang pagiging ngongo ay kadalasan sanhi ng baradong ilong. Ito ay nangyayari kapag puno ng sipon ang ilong at barado dahil sa mga dumi. Importante na alam mong wala kang ibang problema sa kalusugan kung ikaw ay magpapakonsulta sa doktor. Minsan, may ilang sakit na pwedeng magdulot ng pagkangongo at ito ay dapat na gamutin.

Madalas na Sintomas at Senyales

Ang pagkakaroon ng baradong ilong ang madalas na sanhi nito. Ngunit ang ilan sa mga ito ay pwede ring maramdaman:


  • Pakiramdam na parang puno ang loob ng ilong
  • Pagkangongo habang nagsasalita
  • Parang may hangin kapag nagsasalita

Dahilan at Sanhi ng Pagiging Ngongo

Ang isa sa pangkaraniwang dahilan ay pagkakaroon ng sipon. Kapag ito ay malala, pwede itong bumara sa daluyan ng hangin sa ilong na nagiging sanhi ng kulob na tunog kapag nagsasalita.

May ilang pagkakataon na kung saan ang pagkakaroon ng tumor sa loob ng ilong ay nagiging sanhi ng pagkangongo. Kapag ito ay masyado nang malaki, pwede ito magdulot ng tunog na ngongo kapag ikaw ay nagsasalita. Maaari rin itong maging sagabal sa paghinga.

Ang sinusitis ay isa ring posibleng dahilan ng pagkangongo. Ito ay pamamaga ng mga espasyo sa mukha na pwedeng maimpeksiyon at mairita.

Ang isang depekto mula sa pagkapanganak ay maaaring permanenteng dahilan ng pagkangongo. Ito ay madalas na nagiging sanhi ng pag-deform ng nguso at iba pang parte sa ilong.

Mga Dapat Iwasan

Ang pagkakaroon ng sipon ay madalas na hindi maiwasan. Ito ay dala ng panahon, pagkahawa sa ibang tao o paghina ng resistensiya. Ngunit kapag ito at naging sanhi ng pagkabara ng ilong, pwede itong malunasan sa pamamagitan ng gamot.

Iwasan ang paninigarilyo. Ang mga kemikal nito ay ang nagpapalala sa pagiging ngongo at barado ng ilong. Importante na ang usok ng sigarilyo ay hindi malanghap upang hindi mairita ang ilong at ito ay mamaga.

Lunas Para sa Pagiging Ngongo

Importante na alamin muna ang dahilan ng problema na ito. Ikaw ay dapat na magpa check up sa doktor kung sa tingin mo ay nagiging sanhi na ito ng problema sa pang araw araw na gawain. Kapag may nararamdamang sakit, lagnat at iba pang di pangkaraniwan na sintomas, pumunta agad sa doktor upang masuri.

May Gamot Ba Para Dito?

Kung ang sanhi ay simpleng sipon, makakatulong ang paggamit ng pampaluwag ng paghinga. May mga gamot na mabibili sa botika na hindi na kailangan ng reseta. Ugaliin din na maglinis ng ilong upang matanggal ang mga bara nito.

Ang pagpapalakas ng resistensiya ay importante para hindi magkasipon. Kumain ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng sapat na tulog.

Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin?

Ang doktor para sa ilong na tinatawag na ENT ay pwedeng sumuri sa iyong problema ng pagkangongo. Ngunit pwede ka rin kumonsulta sa isang pulmonologist o eksperto sa baga.

error: Copyright Protected!