Palaging Mahapdi Ang Mata – Mga Karaniwang Dahilan

Kapag ang mata ay mahapdi, maaari itong makasagabal sa paningin. Importante na pangalagaan ang mata dahil ito ay pwedeng mauwi sa impeksiyon at pagkabulag kapag napabayaan. Ang mahapding mata ay hindi karaniwan ngunit ito ay pwedeng magamot kung ang dahilan ay malalaman ng maaga.

Mga Sintomas Nito

Ang hapdi sa mata ay isa lamang malawak ng termino upang sabihin ang problema sa parteng ito ng katawan. Ang ilan sa mga madalas na mangyari sa mata ay pwedeng masabi sa mga sumusunod na paraan:


  • Mainit na parte ng loob ng mata
  • Mahapdi at makati ang mata
  • Parang sinusunog ang loob ng mata
  • Namamaga at masakit
  • Parang tinutusok at nagluluha
  • Mahapdi ang mata kapag pumipikit
  • Mahapdi ang mata kapag nakadilat

Mga Posibleng Dahilan ng Masakit na Mata

Ang mata ay pwedeng maimpeksiyon. Ang labas na bahagi nito ang madalas na nakakaranas ng mahapdi na pakiramdam kapag may problema. Ilan sa mga sumusunod ay ang posibleng dahilan ng pananakit at paghapdi nito:

  • Sore eyes
  • Conjunctivitis Asthma
  • Dumi sa mata
  • Injury
  • Puwing
  • Kakulangan sa tulog
  • Impeksiyon
  • Polusyon gaya ng usok ng sigarilyo
  • Insekto sa loob ng mata

Gamot Sa Masakit Na Mata

Ang solusyon upang mapawi ang mahapding mata ay depende sa klase ng sakit at problema na nagdulot nito. Kung ikaw ay may sore eyes, ito ay pwedeng lagyan ng gamot na eye drops na ibibigay ng isang doktor. Kung ikaw naman ay mayroong dumi, pwede itong mahugasan ng tubig.

Samantala, ang problema sa mata na may kinalaman sa impeksiyon, katandaan, tumor at iba pang sanhi ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. Ang doktor para sa mata ay tinatawag na ophthalmologist.

Importante na wag kuskusin o kusutin ang mata dahil lalo nitong mapapalala ang sitwasyon. Ang pagkuskos ng mata ay mapanganib dahil pwede nito masira ang malambot na mata at magkaroon ng problema sa paningin.

Pwede Ko Bang Hugasan Ng Tubig?

Mainam na mahugasan ang mata kung ito ay pinasukan ng alikabok o iba pang bagay. Ngunit dapat kang maging maingat na huwag diinan o kuskusin ang mata dahil makakasugat ito sa ibabaw na bahagi ng lente.

Iba Pang Sakit sa Mata

Kung ikaw ay may panlalabo ng paningin, ito ay dapat na solusyonan sa pamamagitan ng pagpunta sa doktor. Ito ay nangyayari base sa edad, sa trabaho, sa kasarian at mga may kinalaman sa sakit. Itanong agad sa doktor kung bakit ka may panlalabo ng paningin.

Mga Pagkain Para sa Malusog Na Mata

Ang pagkain ng maustansiyang pagkain ay nakakatulong upang maging malusog ang isang tao. Ang karaniwang epektibong sustanisya para sa malinaw na paningin ay Vitamin A. Ngunit importante na kumpleto ang makuha mong nutrisyon mula sa mga kinakain. Iwasan rin magbabad sa araw dahil ang Ultraviolet Rays mula rito ay nakakasira sa mata.

Doctor Para sa Mahapdi Na Mata

Ang isang ophthalmologist ay pwedeng konsultahin tungkol dito. Importante na ito ay ipa check up kung may pamumula, nangangati o kaya naman ay masakit.

References from Mayoclinic

error: Copyright Protected!