Bakit Ngongo Ako Palagi

Ang madalas na dahilan ng pagiging ngongo ay baradong ilong. Ito ay nangyayari kapag puno ng sipon at barado dahil sa mga dumi. Suriin at tingnan ang mga dahilan nito.

Sipon

Ang isa sa pangkaraniwang dahilan ay pagkakaroon ng sipon. Kapag ito ay malala, pwede itong bumara sa daluyan ng hangin sa ilong na nagiging sanhi ng kulob na tunog kapag nagsasalita.

Polyps

May ilang pagkakataon na kung saan ang pagkakaroon ng tumor sa loob ng ilong ay nagiging sanhi ng pagkangongo. Kapag ito ay masyado nang malaki, pwede ito magdulot ng tunog na ngongo kapag ikaw ay nagsasalita. Ayon sa MayoClinic, madalas na hindi naman ito delikado.

Sinusitis

Ang sinusitis ay isa ring posibleng dahilan ng pagkangongo. Ito ay pamamaga ng mga espasyo sa mukha na pwedeng maimpeksiyon at mairita.

Deformation

Ang isang depekto mula sa pagkapanganak ay maaaring permanenteng dahilan ng pagkangongo. Ito ay madalas na nagiging sanhi ng pag-deform ng nguso at iba pang parte sa ilong.

May isa kaming nakausap na pasyente at sabing madalas sya ngongo dahil sa isang aksidente. Nung bata pa sya, na-deform ang kanyang ilong dahil sa subsob.

Kung ang sanhi ay simpleng sipon, makakatulong ang paggamit ng pampaluwag ng paghinga. May mga gamot na mabibili sa botika na hindi na kailangan ng reseta.

Ang pagpapalakas ng resistensiya ay importante para hindi magkasipon. Kumain ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng sapat na tulog.

Ang doktor para sa ilong na tinatawag na ENT ay pwedeng sumuri sa iyong problema ng pagkangongo. Ngunit pwede ka rin kumonsulta sa isang pulmonologist o eksperto sa baga.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Problema sa Ilong at Paghinga / Bakit Ngongo Ako Palagi