Bakit Masakit Ang Pisngi Ko

May ilan sa pwedeng magdulot ng masakit na pisngi sa kaliwa man o kanan ay sinusitis, TMJ o stress.

Sinusitis – ito ay pamamaga ng mga bahagi sa mukha na pwedeng madamay ang pisngi, ilong at noo. Ayon sa ClevelanClinic, isa ito sa karaniwang dahilan ng sintomas sa pisngi.

TMJ Syndrome – ito ay karamdaman na may kinalaman sa ngipin at panga. Ang Temporo Mandibular Joint ay ang joint ng panga sa kabuuan ng ulo. Kapag ang panga mo ay tabingi at wala sa alignment, ito ay pwedeng magdulot ng pananakit sa pisngi.

Anxiety at Stress – kapag ang isang tao ay palaging stressed, pwede siyang makaranas ng iba’t ibang klase ng pananakit. Isa rito ay ang masakit na pisngi. Ang pakiramdam ay parang tinutusok na pisngi.

Namamagang gilagid at ngipin – posible ring sumakit ang pisngi kapag may pamamaga sa ngipin at gilagid. Ito ay dahil sa impeksyon na nakakaapekto sa kabuuan ng pisngi.

Stroke – may ilang tao na nakaranas ng masakit na pisngi na may kaugnayan sa stroke. Importante na ikaw ay tumungo agad sa ospital kung may iba pang sintomas na posibleng stroke.

Ang isang general medicine, family medicine, neurologist at dentista ay ilan lamang sa mga doktor na pwedeng tumingin sa masakit na pisngi. Depende ito sa kung ano ang eksaktong nararamdaman mo.

Sa aming experience, mas makabubuti kung magsimula sa family medicine para sa general evaluation.

Ito Ba ang Sintomas mo?

  • Masakit kapag binubuksan ang bunganga
  • Parang tinutusok
  • Masakit kapag ngumanganga
  • Namamanhid na isang bahagi (kanan o kaliwa)
  • Masakit kapag ngumunguya
  • Masakit na cheekbones
  • Araw araw na pananakit
  • Mainit at mahapdi

Ano ba ang gamot sa masakit na pisngi? Ang lunas sa pananakit sa pisngi ay depende sa sanhi nito.

  • Ang stroke ay kailangan na matingnan agad ng doktor dahil sa ito ay delikado.
  • Ang TMJ syndrome ay pwedeng malunasan ng therapy at pagsuot ng dental splint.
  • Samantala, ang stress at pagod ay may lunas sa pamamagitan ng therapy, ehersisyo at pahinga.
  • Kung ang pisngi ay sumasakit dahil sa sinusitis, ito ay pwedeng gamutin sa pamamagitan ng gamot para sa sinusitis.
  • Ang pamamaga naman ng gilagid at ngipin ay dapat ikonsulta sa dentista upang mapawi ang impeksyon.