Nasasamid Kapag Natutulog – Biglang Ubo Habang Tulog

Naranasan mo na bang mabilaukan habang natutulog? Kung ikaw ay biglang nagising dahil sa nasamid ka habang natutulog, maaaring ito ay dahil sa isang kondisyon sa kalusugan. Importante na ikaw ay maobserbahan upang malaman ang iyong problema sa paghinga at pagtulog.

Ano Ang Mga Sintomas Nito?

  • Biglang nasasamid habang natutulog
  • Naghihilik ng putol putol
  • Tumitigil ang paghinga habang tulog
  • Biglang umuubo at nagigising sa pagtulog
  • Nabibilaukan habang natutulog
  • Tulog at kapos sa hininga

Ano Ang Mga Dahilan?

Ang bilgang pag ubo at samid habang ikaw ay tulog ay may kaugnayan sa iyong paghinga. Ito ay tinatawag na sleep apnea sa Ingles. Malimit na ito ay nangyayari sa mga taong may problema sa daluyan ng hangin.


Mga Sanhi

Ang sleep apnea ay isang kondisyon kung saan humihinto ang paghinga ng isang tao habang natutulog. Ang pasyente ay maaaring magising dahil sa pagkasamid o kaya ay nabilaukan sa hangin o laway.

Ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang mga sumusunod:

  • Pagiging mataba o overweight
  • Pag inom ng alak o anumang may alkohol
  • Maling pwesto ng ulo sa paghiga sa unan
  • Naiipit na leeg at daluyan ng hininga
  • Pagbaba ng dila sa lalamunan habang tulog
  • Paghilik
  • Pagkakaroon ng problema sa paghinga

Ano Ang Lunas?

Kung ikaw ay may sleep apnea, may ilang paraan para ito ay malunasan. Una, ayusin mabuti ang paghiga sa kama at siguruhing hindi naiipit ang daluyan ng hangin sa lalamunan. Dapat ding bawasan ang pagkain ng mga nakakataba. Umiwas din sa pag inom ng alak at iba pang alcoholic drinks.

May gamot ba para rito? Importante na ikaw ay kumonsulta sa doktor upang malaman ang lunas o gamot para sa kondisyon na ito. Maaaring ikaw ay isailalim sa sleep test upang mamonitor ang iyong paghinga habang tulog. Sa mga pagkakataon na malala, ang surgery ay maaaring irekomenda ng doktor.

Doktor Para Sa Kondisyon Na Ito

Ang isang sleep doctor ay maaaring tanungin tungkol sa karamdaman na ito. May mga eksperto sa pagtulog na dapat konsultahin upang malaman ang sintomas, dahilan at tamang treatment option.

error: Copyright Protected!