Ang mahapdi na pag-ihi ay pwedeng sintomas ng UTI. Ito ay infection sa daluyan ng ihi ayon sa Cleveland Clinic.
Kung may STD, pwede rin itong mangyari sa mga may Gonorrhea, Tulo, Chlamydia at iba pa.
Mga Pwedeng Ipagawa ng Doctor:
- Blood test at blood chem
- Ultrasound sa urinary bladder
- Digital rectal exam sa lalaki
Ang doktor sa ihi ay Urologist. Pero pwede ka rin magpa-check up sa mga family doctor at general medicine. May mga ipapagawang test para malaman ang sanhi ng masakit na paglabas ng ihi.
Kailangan mong magpa-konsulta sa doctor para malaman kung ito ay cancer. Ang ari ng lalaki ay pwedeng magkaroon ng mga sintomas na maaaring may relasyon sa cancer sa prostate at bayag.
Sa mga babae, importante na magpa-check up sa isang OB Gyne para malaman ang sanhi nito. Maaaring may kinalaman ito sa UTI.