Inuubo ka ba kapag gabi? Sa mga taong may problema sa paghinga, importante na maagapan ang konting ubo. Ngunit may mga pagkakataon na ang ubo ay nangyayari lamang tuwing gabi. Ano kaya ang posibeng dahilan nito?
Ano Ang Dahilan Ang Ubo Sa Gabi?
Ang ubo ay isang natural na reaksyon ng katawan sa namamagang airway (lalamunan, pharynx at baga). Kung ang parte ng paghinga ay may iritasyon, pwedeng ubuhin ang isang tao.
Ilan sa mga posibleng dahilan ng pag-ubo sa gabi lang ay ang mga sumusunod:
- Lung Cancer – Narito Sintomas ng Lung Cancer
- TB – Click Mga Sintomas ng TB
- Asthma o hika
- Allergy
- Bronchitis
- Acid Reflux Hyperacidity – Click Sintomas ng Hyperacidity
Tandaan: hindi dahil meron kang ubo sa gabi o hapon ay nangangahulugan na meron ka ng alinman sa mga sakit na nabanggit rito. Tanging ang doktor lamang ang pwedeng magkompirma ng iyong sakit.
Mga Sintomas
Maaaring may iba ka pang sintomas maliban sa ubo, ilan sa mga ito ay:
- Lagnat sa hapon
- Pananakit ng lalamunan
- Masikip na dibdib at paghinga
- Kapos na hininga tuwing hapon at gabi
- Inuubo bago matulog
- Nangangayayat
May Gamot Ba Para Rito?
Ang gamot sa ubo ay kadalasan na ginagamitna ng mucolytic o pantunaw ng plema kung meron nito. Ngunit ang ilang karamdaman ay ginagamot din sa pamamagitan ng antibiotic. May mga ilang halimbawa rin ng inhalers at nebulizer sa mga taong may hika.
Importante na alamin mo muna kung ano ang sanhi ng ubo sa gabi. Bago pa man gumamit ng gamot, dapat ikonsulta ito sa doktor dahil hindi basta basta ang paggamit ng gamot lalo na ang antibiotic kung walang reseta.
Iba Pang Dapat Bantayan Na Sintomas
Ang TB ay may mga sintomas na maaaring may kinalaman sa oras ng araw. Halimbawa, ang taong meron nito at posibleng may ubo, lagnat at panghihina tuwing hapon. Ngunit may iba pang posibleng dahilan nito gaya ng HIV o kaya asthma.
Sa Mga Bata
Sa mga bata, isa sa madalas na dahilan ay hika o allergy. Ang mga bata ay maaaring may mahinang resistensya na sensitibo sa dumi, alikabok at mga kemikal.