Pantal Pantal Sa Balat: Makati man o Hindi

Ang pagpapantal ay pwedeng dahil sa isang allergic reaction. Pero tingnan mo muna ang listanah na ito kung meron ka kahit isa:

  • Nakaumbok na pantal sa balat
  • Makati na pantal na kulay pula
  • Pantal na hindi makati
  • Kulay pula lang at hindi nakaumbok
  • Namamaga ang ibabaw ng balat

Ilan sa mga posibleng sanhi ay:

  • Allergy sa pagkain, panahon, dumi o kemikal, ito ang madalas na dahilan ayon sa oberbasyon namin. Sabi ng Cleveland Clinic, pwede rin ito sa mga ordinaryong bagay gaya ng sabon.
  • Impeksiyon sa balat
  • Pagkakaroon ng sakit dahil sa virus gaya ng bulutong o tigdas
  • Pagkakaroon ng problema sa dugo
  • Nakagat ng insekto o hayop
  • Allergy sa gamot
  • Pagkakaroon ng iba pang sakit

Ang pantal ay madalas na hindi nagagamot dahil senyales ito ng problema sa kalusugan. Pero pwede mong mabawasan ang dulot na kati nito sa paggamit ng mga gamot. Importante na ang gamot ay may reseta ng doktor bago mo ito inumin.

Sa mga botika, may mga gamot na pwedeng mabili na anti-allergy ngunit dapat mong siguraduhin na ligtas ito bago mo inumin. Minumungkahi namin na ikaw ay magpakonsulta muna sa isang doktor bago uminom ng kahit anong gamot.

Ang allergy ay may ilan pang sintomas maliban sa pantal. Ito ay paninikip ng hininga, pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagsakit ng tiyan, pagbahing at panghihina.

Ito Ba Ay HIV?

May ilang tao na may reaksiyon sa HIV infection na nagiging sanhi ng pagpantal sa balat. Ito ay nakokompirma lamang sa pamamagitan ng blood test.

Kung ikaw ay may lagnat, dapat mo itong ipagbigay alam sa doktor dahil maaaring ito ay isang impeksiyon. Dapat mo ring bantayan ang ibang sintomas ng allergy.

 



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Pantal Pantal Sa Balat: Makati man o Hindi