Masakit na Sakong Kapag Tumatapak

Ang pagsakit ng sakong ay may iba’t ibang posibleng dahilan gaya ng sumusunod:

Arthritis – ito ay pagkakaroon ng problema sa mga kasu-kasuan na dahil sa mataas na uric acid.

Injury o pilay sa paa – kapag ang tao ay nabalian malapit sa paa, ito ay pwedeng magdulot ng masakit na sakong. Sabi ng MayoClinic, pwedeng ito ay dahil sa planta fasciitis.

Sirkulasyon ng dugo – kapag may karamdaman ang isang tao, maaari itong magkaroon ng ibang kemikal sa dugo na maaaring magdulot ng mga deposito sa kasu-kasuan, kasama na ang nasa sakong.

Pagsuot ng maling sapatos – ang pagsuot ng masikip na sapin sa paa gaya ng sapatos, high heels at iba pa ay pwedeng magdulot ng masakit na sakong kapag naglalakad.

Ang gamot sa masakit na sakong ay karaniwang sa pamamagitan ng pain reliever. Iba iba ang uri ng mga ito at kailangan mo munang ikonsulta sa isang doktor bago uminom.

Ang physical therapy ay pwede ring magamit na lunas para sa pananakit ng sakong. Ito ay pwedeng irekomenda ng isang doktor kapag nakitang may problema sa muscles, buto at ligaments.

Samantala, ang isang injury sa sakong kasama ang litid ay maaaring may kasamang surgery na irerekomenda ng isang doktor.

Maaari kang pumunta sa isang orthopedic surgeon na eksperto sa mga buto at muscles. Ang rheumatologist ay posible ring konsultahin kung ikaw ay may rayuma at arthritis.

 



Last Updated on September 8, 2024 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paa / Masakit na Sakong Kapag Tumatapak