Masakit na Butas ng Titi

Ang masakit na butas ng titi ay pwedeng dahil sa irritation o kaya naman ay STD. Importante na matingnan ito ng doctor kung parating nangyayari. Narito pa ang ilang posibleng sanhi.

Iritasyon

Kapag naliligo, pwedeng pumasok ang sabon o iba pang kemikal sa butas nito na siyang magiging dahilan ng irritation at paghapdi.

Kapag tayong mga lalaki ay naliligo pwedeng pumasok ang shampoo at sabon at masakit ito sa atin kapag umiihi.

Nabarahan

May ilang pagkakaton na pwedeng mabarahan ito ng kidney stones na siyang magdudulot ng pananakit.

STD

Ang sexually transmitted disease ay pwedeng magdulot ng pananakit sa butas mismo ng titi ayon sa MyHealth Alberta.

  • Tulo
  • Gonorrhea
  • Impeksiyon
  • UTI
  • Sugat sa butas ng titi
  • Mataas ng uric acid
  • May parasitiko sa butas ng ari

Ang isang family medicine or general medicine na doktor ay makakatulong upang malaman kung ano ang sanhi ng masakit na butas ng ari ng lalaki. Ngunit ang eksperto sa mga ganitong karamdaman ay isang urologist kaya dapat meron din tayong reliable doctor.

Dapat munang ipa-konsulta sa doktor ang iyong sintomas bago makahanap ng lunas para rito. Ang pag-inom ng gamot lalo na kung ikaw ay may impeksiyon ay dapat na gabayan ng isang doktor. Huwag uminom ng kahit anong gamot kung ito ay hindi naman nireseta ng isang doktor.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Masakit na Butas ng Titi