Madalas bang tubig ang nilalabas mong tae? Kung ito ay palagi mong nararanasan, ito ay maaaring may kinalaman sa iyong sikmura. Madalas, ang pagkakaroon ng liquid na dumi ay dahil sa iritasyon sa iyong sikmura. May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari.
Madalas na Sintomas
Ang halos tubig na dumi at maaaring makaranas ng mga sumusunod na sintomas:
Tubig na ang nilalabas na tae o dumi
Laging likido na ang dumi na parang tubig
Madalas matae pero hindi buo
Nadudumi palagi at lusaw ang tae
Ano Ang Sakit ng Tubig na Dumi?
Ang isa sa posibilidad nito ay pagkakaroon ng LBM o loose bowel movement. Ito rin ay karaniwang tinatawag na diarrhea. Pwede itong magdulot ng lusaw na tae.
Ang tae na lusaw o tubig na ay pwede ring dahil sa IBS o irritable bowel syndrome. Ang madalas na pagdumi ay dulot din ng ilang karamdaman na may kinalaman sa sikmura.
Ilan sa mga posibleng dahilan nito ay:
Hyperacidity
LBM o Diarrhea
Ulcer
Colon Cancer
Stomach Cancer
*Ang mga sakit na ito ay tanging mga doctor lamang ang pwedeng mag diagnose. Ang pagkakaroon ng sintomas ay hindi agad nangangahulugan na ikaw ay may sakit na nabanggit.
Ano Ang Doctor Para sa Tubig na Dumi?
Ang isang gastroenterologist ay pwedeng konsultahin para sa mga sakit na may kinalaman sa sikmura. Kung ikaw ay may iba pang sintomas, pwede mo itong itanong sa doktor.
Gamot Para sa Tubig na Tae o Dumi
Importante na malaman mo kung ano ang dahilan kung bakit halos tubig na ang iyong dumi. Ito ay ipakonsulta sa doctor upang maipagawa ang mga tests na dapat para sa iyong kalagayan.
Mga Pagkain Para Tumigas ang Tae
May ilang pagkain na makakatulong para maging mabuo ang dumi. Isa rito ay ang saging na nakakatulong para mas bumuti ang tae at hindi maging tubig.
May ilang supplements din na pwedeng makatulong para mas maging malakas ang sikmura. Halimbawa nito ay mga pagkain na may pro-biotics.