Tumutusok Sa Pwet At Likod ng Binti – Masakit Sa Likod ng Hita

May nararamdaman ka bang masakit sa likod ng pwet, hita o binti? Kung ito ay parang tumutusok, pwede itong dahil sa iritasyon sa nerves. Ang mga nararamdaman mo ng parang tumutusok na sakit sa hita at binti ay kunektado rin rito. Alamin natin kung ano ang posibleng sanhi nito.

Ano Ang Mga Sintomas?

May tumutusok na sakit sa likod ng balakang, bewang


Masakit na tusok hanggang sa likod ng hita at binti

Sumasakit ang kanan o kaliwang hita kapag naglalakad o nakatayo

Tusok na sakit sa legs kapag nakaupo

Lumalamig ang gilid ng binti

Namamanhid ang binti

Parang may pulikat sa binti

Mainit na pakiramdam sa binti at hita sa balat

Ano Ang Posibleng Dahilan ng Tumutusok na Sakit?

Isa sa posibleng dahilan nito ay sciatica pain. Ito ay malaking nerve o ugat na dumadaloy mula sa iyong spinal cord hanggang sa iyong paa ayon sa WebMD. May mga dahilan kung bakit ito naiipit ilan sa mga ito ay:

Hernitated Disc

Piriformis Muscle Strain

Disease sa nerves

Bakit ito Nangyayari?

Ang herniated disc ay pwedeng mangyari kapag ikaw ay nahulog, nabunggo nang patindi sa likod o kaya naman nagbuhat ng mabigat at iba pang straining activity. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga ganitong sintomas, importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doctor.

Ano Ang Doctor Para Sa Tumutusok Na Sakit Sa Likod?

Ang isang orthopedic surgeon, neurologist o kaya naman ay physical therapist o rehab doctor ay dapat na tanungin. Importante na ibigay lahat ng iyong sintomas para malaman kung ano ang gagawin.

Paano Ginagamot Ang Masakait na Likod ng Hita at Binti?

Ang sakit na ito ay pwedeng malunasan sa pamamagitan ng pain relievers, exercises o kaya naman physical therapy. Itanong sa iyong doktor kung ano ang pinakamainam.

Pamahid Para sa Sakit sa Likod ng Binti

May ilang tao na nakakakuha ng ginhawa kapag ginamitan ng creams, oils at iba pa. Ang mga ito ay nabibili sa mga pharmacy at botika na hindi na kailangan ng reseta.

error: Copyright Protected!