Trankaso At Palatandaan Nito – Ano ang Mga Sintomas at Dapat Gawin

Madaming tao sa mundo ang nagkakaroon ng trangkaso bawat taon. Ito ay kadalasn inuugnay sa maulan na panahon at pabago-bagong klima. Mula bata hanggang sa matatanda, sinuman ay pwedeng magkaroon ng sakit na trankaso. Ano nga ba ang mga palatandaan ng sakit na ito?

Paano Malalaman Kung May Trankaso

Halos pareho ang sintomas ng trankaso sa bata at matanda. Ito ay tinatawag din na Flu or Influenza. Ang mga madalas na palatandaan nito ay ang mga sumusunod:

Magtanong Sa Doktor

  • Masakit na ulo
  • Mataas na lagnat
  • Masakit na mga kalamnan o muscles
  • Masakit na kasu-kasuan
  • May sipon at ubo
  • Minsan may pagtatae
  • Nanghihina

Mga Gamot Para sa Trangkaso

Ang mga gamot para sa trangkaso ay madalas na mabibili sa mga botika. Meron itong Phenylephrine HCl, chlorphenamine maleate at paracetamol pero depende rin sa brand name. May mga generic din na gamot para rito na pwede mong itanong sa pharmacist. Uminom lamang ng gamot kung may payo ng doctor.

Tuwing Kailan Iniinom ang Gamot

Ilang oras ang pagitan ng gamot para sa sakit na ito? Habang nasa umpisa pa lang, may  mga doktor na nagrerekomenda na inumin ang gamot tuwing 6 oras. Para sa bata at matanda ito ay iniinom isang tableta kada anim na oras simula 12 years old pataas.

Gamot para sa trangkaso ng baby

Importante na ikonsulta muna sa doktor bago painumin ng gamot ang mga sanggol.

Mga Dapat Gawin Kapag May Sakit

  • Magpahinga, ito ang isa sa mabisang paraan para maka-recover
  • Uminom ng maraming tubig
  • Matulog ng maaga at huwag magpuyat
  • Kumain ng masustansiyang pagakin

Herbal Para sa Trankaso

May mga herbal medicine na ginagamit para sa trankaso ngunit dapat munang itanong sa doktor kung pwede itong inumin.

Pagkain Para sa Trangkaso

Mga prutas at gulay ang mahahalagang pagkain kapag may sakit. Nagbibigay ang mga ito ng vitamins at fiber. Umiwas muna sa mga pagkain na may caffeine, softdrinks at iba pang uri ng pagkain. Ang pagkain ng wasto ay pag-inom ng vitamins ay makakatulong para lumakas ang resistensya.

References: WebMD

error: Copyright Protected!