Totoo Ba Ang Binat – Dahilan At Gamot Sa Binat ng Lagnat

Madalas ang binat ay nagiging dahilan ng pagod. Sa mga nakakatanda, ito ay sinasabing dahilan ng muling pagkakasakit. Ngunit totoo ba ang binat? Paano ito maiiwasan at ano ang gamot?

Dahilan ng Binat

Ang binat ay itinuturing na galing sa biglaang pagpapagod o pagkilos mula sa pagkakasakit. Isa sa dahilan nito ayon sa matatanda ay ang pagtatrabaho agad matapos manganak. Sa ilang pagkakataon, ginagamit din ang salitang ito kapag bumalik ang sakit matapos lagnatin o magkaroon ng trankaso.

Bakit Nabibinat Ang Tao

Ayon sa mga matatanda, ito ay nangyayari kapag biglang kumilos agad matapos ang isang sakit. Dahil mahina pa ang katawan, pwedeng bumalik ang sakit sa ibang paraan gaya ng sobrang panghihina, pagkahapo o kawalan ng lakas.

Totoo Ba Ang Binat?

Ayon sa mga nakakatanda, ito ay nangyayari kapag pinilit ang katawan magtrabaho agad mula sa karamdaman. Maaaring may basehan ito dahil hindi pa gaano malakas ang katawan.

Binat Sa Buntis

Ang binat ay pwedeng mangyari pagkatapos manganak at biglang nanghina ang isang tao. May nagsasabi na bawal kumilos, bawal maligo, bawal magtrabaho agad.

Binat sa Bata

Ang mga bata na nagkasakit o may lagnat ay dapat magpahinga mabuti. Ayon sa mga matatanda, pwede silang mabinat.

Gamot Sa Binat ng Lagnat at Pagkatapos Manganak

Ang pagkakaroon ng sapat na pahinga ay importante. Magpahinga ng mabuti, uminom ng maraming tubig, kumain ng wasto at iwasan ang mga bisyo. Makakatulong din na iwasan ang stress at sobrang pag-iisip.

Ang binat dahil sa bagong operasyon ay maaaring matindi ang resulta. Importante na magpahinga at uminom ng gamot ayon sa payo ng doctor. Huwag agad kikilos ng mabigat dahil baka magkaroon ng strain sa iyong katawan.

English ng Binat

Sa ngayon, wala pang eksaktong katumbas ang binat sa English. Ngunit alam ng maraming Pilipino kung ano ang ibig sabihin nito. Ang pagpapahinga ng lubusan matapos magkasakit o manganak, give birth, ay importante para sa lahat.



Last Updated on April 15, 2020 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Totoo Ba Ang Binat – Dahilan At Gamot Sa Binat ng Lagnat