Masakit Kapag Nilalabasan

Masakit ba kapag naglalabas ng semilya? Dapat mong malaman ang ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Sa mga lalake na may edad, ito ay maaaring may kinalaman sa isang sakit. Ano ang dahilan ng masakit kapag nilalabasan ng tamod o semen?

Dahilan Ng Masakit Na Paglabas Ng Semilya

Isa sa posibleng dahilan ng pananakit kapag lumalabas ang tamod ay prostatitis. Ito ay ang pamamaga ng prostate gland. Posible ring ito ay dahil sa prostate cancer na isang sakit dahil sa tumor. Sa ilang pagkakataon, ang pananakit ay pwede ring dahil sa testicular cancer, UTI o kaya naman ay nerve problems.

Magtanong Sa Doktor

Mga Sintomas

Masakit ang puson kapag nilalabasan

Sumasakit ang puson bago labasan ng tamod

Masakit kapag malapit na ang ejaculation

Sumasakit ang puson at titi pagkatapos labasan

Masakit kapag umiihi at nakikipagtalik

Paano Gamutin Ang Masakit Na Paglabas ng Tamod

Importante na matingnan ng isang doctor ang iyong lagay. Maaaring magpagawa siya ng ilang exams o tests. Ang pananakit ay pwedeng dahil sa tumor, infection at iba pa.

Ano Ang Doctor Para sa Masakit Na Paglabas ng Tamod

Ang isang urologist ay pwedeng konsultahin para sa mga ganitong sintomas. Ipaalam ang iyong nararamdaman upang mabigyan ng tamang gabay.

References Medical News Today

error: Copyright Protected!