Sungki pa ang ngipin mo? Maraming tao ang nahihiyang ngumiti dahil sa tabingi o sungki. Kung ito ay problema mo rin, importante na malaman mo kung ano ang pwedeng gawin para maayos ito.
Dahilan
Ang sungki ay hindi naman delikado ngunit pwede itong makaapekto sa iyong itsura at bumaba ang iyong self esteem.
Isa sa posibleng dahilan nito ay hindi pagkakaroon ng pustiso para sa bakanteng space mula sa pagbunot. Minsan, ito rin ay dahil sa trauma o injury sa panga at gilagid.
Sintomas ng Sungki na Ngipin
Kita kaagad sa itsura ang ngipin na sungki. Kapag ikaw ay ngumiti, isa sa iyong ngipin ay pwedeng naka tabingi o kaya naman ay nakalitaw kaysa sa iba.
Ang ngipin na sungki ay pwede ring mangyari sa mga gilid na ngipin o kaya naman sa pangil.
Paano ito Inaayos o Ginagamot?
Ang dentista lamang ang pwedeng magbigay ng payo kung paano ito aayusin. May mga procedures sila na ibibigay sa iyo kung gusto mo itong tumuwid ay maayos. Ilan sa mga posibleng lunas at ang pagkakaroon ng retainer o braces.