Sumasakit na Bukol Sa Kilikili

Ang masakit na bukol sa kilikili ay karaniwang dahil sa namamagang kulani (lymph nodes). Ito ay nangyayari kapag may impeksiyon ka sa katawan gaya ng malalang sipon. Ngunit hindi lahat ng bukol ay dahil sa impeksyon ayon sa Cleveland Clinic.

Maaaring Sintomas Mo

Ang kilikili ay pwedeng sumakit sa parehong kaliwa o kanan na bahagi. Ilan sa mga sintomas na pwedeng maranasan sa kilikili ay ang mga sumusunod:

  • Masakit na bukol sa ilalim ng kilikili
  • Namamaga
  • Masakit kapag pinipisil
  • Sumasakit kapag hinahawakan

Ilan sa posibleng mga dahilan ng kulani sa kilikili ay cancer o HIV. Madalas, hindi masakit ang bukol sa kilikili kapag ito ay dahil sa nabanggit na mga sakit.

Dapat kang kumonsulta sa isang doktor upang malaman ang iyong karamdaman. Kapag tayo ay may lagnat, malaki ang chance na mamaga ang kulani natin sa kili-kili.

Alam naman natin na antibiotic ang panggamot sa mga impeksyon. Ngunit hindi ka dapat uminom nito kung walang reseta ng doktor. Delikado ito sa atay natin kung hindi tama ang pag-inom ng gamot.

Dapat ka rin magpalakas ng resistensiya upang mabilis na gumaling ang iyong impeksiyon. Ang pagkain ng masustansiyang pagkain ay makakatulong na para lumakas ang iyong katawan. Ang ehersisyo ay nakakatulong din para lumakas ang resistensiya ng isang tao.

Sakit Sa Kilikili at Balat

May ilang kondisyon kung saan ang pananakit sa kilikili ay nasa balat lamang. Ito ay pwedeng mangyari kapag may iritasyon sa balat, sugat, ingrown at iba. Ang doktor na pwedeng konsultahin sa ganitong karamdaman ay isang dermatologist.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Sumasakit na Bukol Sa Kilikili