Sumasakit Na Batok Palagi: Ano Kaya Ito?

Ang palaging masakit na batok ay posibleng dahil sa muscle strain o kaya naman high blood pressure. Dapat mo itong bantayan at ikonsulta sa isang doctor.

Pwedeng isa sa mga ito ang sintomas mo:

  • Ngalay na sakit
  • Mainit na pakiramdam
  • May parang tumutusok
  • Masakit kapag yumuyuko o gumagalaw

Ang mga sumusunod ay pwedeng maging sanhi nito:

  • High blood pressure o hypertension ayon sa Mount Sinai
  • Maling posisyon ng pagtulog
  • Nabunggo ng matigas na bagay
  • Karamdaman sa spinal cord
  • Mataas ang kolesterol sa dugo
  • Problema sa puso
  • Impeksiyon

Magagamot lang ito kung alam mo na ang dahilan. Kung laging mali ang iyong pagtulog, subukan na ibaba ng bahagya ang iyong unan. Madalas na masakit ang batok pag-gising sa umaga ang senyales nito.

May gamot na nagpapababa ng presyon ng dugo at ito ay maaaring makalunas sa masakit na batok.

Ang pilay poisble ring mangyari kung ikaw ay may arthritis. Ang mga gamot para rito ay sa pamamagitan ng pain reliever. Importante na ikonsulta muna sa doktor ang pag-inom ng kahit anong gamot.