Masakit Na Panga Kapag Ngumanganga at Nguya

Ang mga karaniwang nararamdaman na masakit na panga ay pwedeng dahil sa TMJ syndrome ayon sa NIH.

Ito ba ang nararamdaman mo?

  • Masakit kapag binubuka ang bunganga at bibig
  • Hirap kumain dahil masakit ang panga
  • Tumutunog sa gilid ng tainga (tenga)
  • Masakit na pisngi, baba at bandang leeg

Ang isa sa karaniwang sanhi ng masakit na bahaging ito ay TMJ o temporo mandibular syndrome. Ito ay ang pagkairita ng nerve o ugat na nakaipit sa joint ng panga at ulo. Makikita ito sa bandang tainga na malapit sa pisngi.

Ang isa pang dahilan ay posibleng may kinalaman sa isang impeksyon. Ito ay maaaring mangyari sa tenga, sa gilid ng ulo o kaya naman sa loob ng ngipin.

Ilan sa mga posibleng dulot nito ay:

  • Lock jaw
  • Masakit na gilid ng tainga at pisngi
  • Problema sa pagnguya ng pa
  • Hirap buksan ang bibig

May mga dental treatment na pwedeng magkaroon ng mabisang solusyon para rito. Ang paggamit ng dental splint ay madalas na binibigay ng isang dentista.

Ito ay sinusuot sa loob ng 6 na buwan upang masanay ang muscles at buto sa ulo at panga. Pagkatapos nito ay maaari kang lagyan ng braces sa ngipin kasama ang massage at treatment.

Ano Pa Ang Ibang Sintomas?

May iba pang sintomas na pwedeng mangyari kapag may problema sa panga. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Nahihilo
  • Masakit na leeg at balikat
  • Namamanhid na pisngi
  • Manhid na bibig, labi at dila
  • Masakit na ulo isang side lang o bahagi

Ang madalas na presyo ng treatment at simula 50,000 pataas. Ito ay karaniwang matagal na gamutan at treatment na ginagawa sa loob ng anim na buwan.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Masakit Na Panga Kapag Ngumanganga at Nguya