Palaging May Kabag At Parang Busog – Ano Ang Sanhi Nito?

Palagi ka bang may kabag? Ang mga taong laging may gaitong sintomas ay maaaring nagkaroon ng hyperacidity. Minsan, ang mataas na asido sa loob ng tiyan ang nagiging sanhi ng madalas na kabag kahit bago o matapos kumain.

Ano Ba Ang Kabag?

Ito ay kondisyon sa sikmura kung saan ito ay may hangin sa loob na nagdudulot ng di mbuting pakiramdam. Ito ay pwedeng mangyari sa matanda at bata ngunit nakikita rin ito sa mga sanggol. Madalas na ang taong may kabag ya parang nahihilo at nasusuka.

Bakit Ito Nangyayari?

Ang kabag ay ang pagpasok ng hangin sa sikmura. Nangyayari tio sa ilang dahilan.

Hyperacditiy – ito ay pagkakaroon ng madaming hangin sa loob ng tiyan dahil sa acid. Kung ikaw ay palaging nalilipasan ng gutom, pwede kang magkaroon ng hangin sa loob at mananatili ito hanggang sa ikaw ay dumighay o umutot. Ang hyperacidity ay pwede ring may kinalaman sa stress, sakit sa sikmura, ulcer at mga kinakain.

Ang maling paghinga ay nakakadulot rin ng kabag. Ito ay mga hangin na na-trap sa loob ng tiyan na nagdudulot ng pakiramdam na palaging puno.

Ano Ang Mga Sintomas ng Kabag?

Parang palaging puno ang loob ng tiyan

Masakit na tiyan na parang busog

Laging dumidighay

Laging umuutot

Matigas ang tiyan at may tunog kapag pinipitik

May Lunas Ba Dito?

Ang kabag ay panandalian lamang. Kung ang hangin ay iyong mailalabas, ito ay mawawala rin. Ngunit ang araw araw na kabag ay dapat na matingnan ng isang doktor. Ito ay posibleng may kinalaman sa isang sakit.

Ano Ang Mga Sakit Na Pwedeng Magdulot ng Kabag?

May ilang karamdaman na pwedeng maging sanhi ng kabag at ito ay ang gastroenteritis, cancer, ulcer, chronic hyperacidity at diarrhea. Dapat mo ring bantayan ang iba pang sintomas gaya ng lagnat, paninikip ng paghinga, pagdumi ng may dugo, hirap sa pagdumi at paninilaw ng balat at mata.

Anong Klaseng Doktor Ang Dapat Tanungin?

Ang kabag ay nangyayari sa loob ng sikmura. Ang doktor na eksperto dito ay tinatawag na gastroenterologist. Kung ang iyong mga sintomas ay hindi naman malala, pwede ka ring magpatingin sa isang general medicine na doktor.

Gamot

May ilang gamot na pwedeng magpakalma ng sikmura o magtanggal ng asido. Kung ikaw nagdurusa sa ganitong sintomas, pwede kang magtanong sa botika ng mura at mabisang antacid.

Ano Ang Dapat Iwasan na Pagkain?

May ilang pagkain na nagdudulot ng sobrang kabag sa tiyan. Ang mga sumusunod ay dapat na iwasan:

  • Alak o alcoholic drinks
  • Carbonated drinks gaya ng softdrink
  • Caffeine drinks gaya ng kape, tsaa
  • Chocolate
  • Maasim na pagkain

Kung ang iyong kabag ay tumatagal na ng ilang araw, dapat kang kumonsulta sa isang doktor at magpatingin. Ilan sa posibleng gawin na mga test ay ultrasound, endoscopy or kaya fecalysis.

error: Copyright Protected!