Home » Pimples Sa Dibdib At Likod – Paano Ito Mawawala?

Pimples Sa Dibdib At Likod – Paano Ito Mawawala?

Ang pimples ay madalas na nakikita sa mukha. Ngunit may mga tao na tinutubuan nito sa dibdib at sa likod. Kung ikaw ay meron nito, dapat mong malaman ang mga posibleng dahilan at gamot para rito.

Ano Ang Pimples?

Ito ay ang pamamaga ng skin pores o butas ng balat kung saan ito ay naiimpeksyon at minsan nagkakaroon ng nana. Ito ay madalas nakikita sa mukha dahil posibleng matakpan o mabarahan ang skin pores at hindi makalabas ang oil na pwedeng maimpeksyon.


Bakit May Pimples sa Likod at Dibdib?

Ang mga taong malakas pawisan ay maaaring magkaroon nito. Kapag ang balat sa dibdib at likod ay nairita, pwede itong ma-infect at magkaroon ng pimples. Minsan, meron din itong nana.

Sintomas

Ang mga sintomas sa parte ng katawan na ito ay katulad ng nasa mukha. Maaari kang magkaroon ng:

  • Pimples o tagyawat sa dibdib
  • Tigyawat sa likod
  • Butlig butlig sa katawan
  • Mahapdi na may sugat na bukol sa dibdib at likod

Sino Ang Nagkakaroon Nito?

Kahit sino ay pwedeng magkaroon nito. Ngunit ang mga nagbibinata na aktibo, mga lalaki at mga nagtatrabaho sa labas ang madalas magkaroon nito.

Ang taong may problema sa immune system ay posible ring magkaroon ng malalang pimples o acne sa katawan.

Lunas

Ang gamot para sa tagyawat sa katawan ay madalas na ginagamitan lamang ng germicidal soap. Ito ay mabisa na para mapatay ang mga bacteria na nagiging sanhi ng pimples.

Sa isang banda, ang malalang sintomas ng ganitong kondisyon sa balat ay ginagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotic na ibibgay ng isang doktor.

May mga creams din na pwedeng gamitin upang mabawasan ang pimples. Ito ay may sangkap na nagpapatigil ng pagdami ng tigyawat at nagsisilbing gamot para hindi na magkaroon ng nana.

Paano Ito Maiiwasan?

Ang paliligo at paglilinis ng katawan araw araw ay importante para hindi magkaroon ng pimples sa dibdib. Importante rin na patuyuin agad ang pawis sa katawan upang hindi dumami ang bacteria.

Magsuot ng komportableng damit na hindi nagdudulot ng pagpapawis. Dapat ka ring kumain ng mga pagkain na mataas sa vitamins para lumakas ang resistensiya laban sa bacteria.

error: Copyright Protected!