Parang Laging Gutom Ang Pakiramdam – Bago at Matapos Kumain

Ang parang palaging gutom na pakiramdam ay posibleng dahil sa ulcer o kaya naman mataas na acid. Alamin kung ano pa ang pwedeng sanhi.

  • Ang pagkakaroon ng ilang karamdaman sa tiyan ay pwedeng maging dahilan ng pagkagutom na wala sa oras. Isang halimbawa nito ay ulcer ayon sa WebMD. Ito ay nangyayari kahit kakatapos mo lang kumain.
  • Mataas na acid sa tiyan. Ang pag-inom ng caffeinated drinks gaya ng kape, softdrinks at chocolate ay pwedeng magpataas ng acid.
  • Ang sobrang pagod at pagtatrabaho ay pwede ring magbigay ng sobrang pagkagutom. Ngunit ang sanhi na ito ay may kaukulang dahilan na pwedeng malunasan.
  • Samantala, ang pagiging diabetic ay pwede ring magdulot ng pagkagutom sa maikling panahon. Kung ikaw ay parating gutom at uhaw, maaaring ito ay sintomas ng diabetes.

May ilang tao na natural lamang kung magutom lalo na kung nasa tamang oras naman ang kanilang pagkain. Sa mga bata, ito ay hindi masyadong problema dahil sila ay aktibo at maaaring magutom ng madalian.

Kung ikaw ay may edad na at nakakaranas ng iba pang sintomas, dapat mo itong ikonsulta sa isang doktor. Ang iba pang dapat mong bantayan ay biglaang pagbaba ng timbang, pagpayat, pagsakit ng tiyan, pagsusuka at di normal na pagdumi.

Ang mga taong nakakaranas ng tila madalas na gutom ay maaaring magkaroon ng ganitong mga sintomas:

  • Gutom na pakiramdam kahit kakatapos lang kumain
  • Mabilis magutom sa maikling oras
  • Nagugutom ang pakiramdam ng sikmura pagkagising sa umaga
  • Masakit ang itaas na bahagi ng tiyan
  • Madalas dumighay
  • Parang puno palagi ang tiyan


Last Updated on September 8, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Parang Laging Gutom Ang Pakiramdam – Bago at Matapos Kumain