May mga taong maputla dahil sa natural na kulay ng kanilang balat. Ngunit hindi ito pangkaraniwan sa isang taong kayumanggi. Ilan sa mga sanhi ng pamumutla ay ang mga sumusunod:
- Kakulangan sa iron sa dugo ayon sa MedlinePlus
- Pagiging malnoris
- Kakulangan sa pagtulog
- Kulang sa tubig
- Nalipasan ng gutom
- May malubhang sakit
Ang isang kasama namin sa opisina ay palaging maputla na dahil pala sa pagiging anemic. Sabi ng doctor niya, kulang siya sa Iron.
Saan Ito Pwedeng Makuha?
Ang kakulangan sa iron ay nangyayari sa isang tao na kulang sa masustansiyang pagkain. Sabi ng doctor, pwede kang maging matamlay dahil kulang sa iron.
Sa isang banda, ito ay pwedeng makuha dahil sa pagiging inaktibo. Kapag kulang ka sa ehersisyo, ikaw ay pwedeng manghina at maging matamlay.
Ang mga taong may malubhang sakit gaya ng kanser (cancer) o kaya naman ay HIV at AIDS ay pwedeng magkaroon ng ganitong sintomas.
Ang pagbubuntis ng isang babae ay pwedeng makapagpababa ng kanyang iron sa dugo. Dahil dito, may ilang supplements na pwedeng inumin kapag nireseta ng doktor.
Alam naman natin na importante ang masustansyang pagkain. Ang isda at karne ay may iron din na makakatulong upang mapunuan ang kakulangan sa mga ito.
Minsan, ang pagkakaroon ng aktibong katawan ay nakakatulong upang manumbalik ang tunay na kulay ng katawan. Ito ang nagbibigay sigla sa kaugatan at dugo ng isang tao.
Pwede kang kumonsulta sa isang general medicine o family doctor para sa mga katanungan sa dugo. May ibibgay silang test sa iyo para makita kung anemic ka nga.
Dapat Bantayan
Ang pamumutla ay maaaring may kasamang ibang sintomas. Magpakonsulta sa doktor kung ikaw ay mayroon ring pagkahilo, sakit ng ulo, panghihina at iba pa.