Palagi ka pang pinagpapawisan? Minsan, ang sintomas na ito ay maaaring may kinalaman sa isang sakit na hindi pa nalalaman. Kung ikaw ay palaging basa ng pawis kahit na hindi kainitan, mabuting alamin mo kung ano ang dahilan nito. Sa isang banda, ang simpleng sintomas na ito dahil sa panahon ay hindi dapat maging sanhi ng pagkaalarma.
Ano Ang Posibleng Dahilan?
May mga sakit na nagiging sanhi ng sobrang pagpapawis. Halimbawa, ang pagkakaroon ng cancer ay pwedeng magdulot ng pagpapawis sa gabi kapag natutulog. O di kaya naman sa mga babae, ito ay posibleng dahil sa menopause. Narito ang ilan sa posibleng dahilan ng laging pinagpapawisan na katawan:
- Cancer
- Menopause
- Temperatura ng panahon
- Lagnat
- Init ng katawan
- Hormone imbalance
- Mga impeksyon
- HIV o AIDS
Ano Ang Mga Sintomas?
Iba iba ang sintomas nito sa mga tao. May mga ilan na buong katawan ay basa ng pawis samantalang ang iba ay bawat parte lamang ng katawan gaya na kamay at palad, leeg at batok, ulo at dibdib at likod. May ilan din na paa at binti lang ang pinapawisan o di kaya singit at kilikili lamang.
Sa Mga Lalaki
Ito ay posibleng dahil sa pagiging aktibo ng katawan at sa trabaho. May ilan ding sintomas gaya ng pagpapawis sa ari kasama ang bayag at titi (uten). O di kaya naman ay pawisan na puwet at butas nito. Kapag ito a nangyayari palagi at may kasamang pangangati at pamumula, maaaring ito ay isang impeksyon.
Sa Mga Babae
Ang temperatura ng panahon ay pwede ring makaapekto. Ngunit may ilan na nagiging pawisin dahil sa menopause. Pwede ring pawisan ang mga babae sa ari kasama ang puki at puwet. Ito rin ay posibleng dahil sa isang impeksyon sa balat.
Sa Mga Bata
Ang mga bata ay natural na aktibo at maaaring pawisan sa buong araw.
Ano Ang Dapat Gawin Bilang Lunas?
Ang simpleng pagpapawis ay hindi na kailangan ng gamot kung ito ay dahil lamang sa init na nararamdaman ng katawan. Importante na magsuot ng maluwag at preskong damit. Dapat ring ugaliin na maligo araw araw upang mapreskohan. Ang paggamit ng aircon o electric fan ay makakatulong din. Uminom ng tubig ng sapat na dami upang hind madehydrate.
May Gamot Ba Para Rito?
Ang pagpapawis sa mga bahagi ng katawan ay pwedeng ikonsulta sa isang dermatologist na doktor. Maaari siyang magbigay ng treatment ayon sa iyong mga sintomas. May ilang karamdaman na pwedeng magamot dahil sa pagpapawis ng sobra.