Bakit Laging Naduduwal? – Sanhi At Lunas

Nasusuka ka ba palagi? May mga tao na madaling maduwal depende sa sitwasyon at sa kalusugan. Ang pagkakaroon ng ganitong sintomas ay maaaring may kinalaman sa ilang karamdaman. Ang importante ay malaman kung bakit palaging naduduwal ang isang tao.

Mga Dahilan at Sanhi

Ilan sa mga posibleng dahilan ng palaging naduduwal ay sintomas ng hyperacidity, acid reflux, ulcer, stomach cancer o stress. Importante na ikonsulta ito sa doctor lalo na kung ikaw ay nanghihina o nagtatae na may mga kasamang dugo.


See: Doctor Consultation

  • Hyperacidity
  • Stomach Cancer
  • Stress Anxiety
  • Ulcer
  • Problema sa paningin
  • Tumor sa utak o cancer
  • Impeksyon sa lalamunan
  • Pagbubuntis
  • Pagkakaroon ng vertigo
  • Pagkakaroon ng impeksyon sa sikmura
  • Stomach cancer

Tandaan na hindi dahil palagi kang naduduwal ay mayroon ka nang sakit na mga nabanggit. Importante na alamin mo ang dahilan ng iyong sintomas mula sa isang doktor.

Gamot Para sa Naduduwal

Ang gamot sa naduduwal ay kadalasang hindi nabibili sa mga botika dahil hindi ito isang sakit kundi sintomas. Importante na magpahinga ng maayos upang manatili ang kalmadong katawan ng isang tao.

See: Mga Doctor Types

Kung tuloy tuloy ang pagduduwal at pagsusuka, pumunta agad sa isang doktor. Ito ay mahalaga lalo na kung may ibang sintomas gaya ng sakit ng ulo, umiikot na paningin, pagkalito, pagkabalisa, pagkawala ng balans habang naglalakad o nakatayo, pamamanhid ng kalahati ng katawan.

Hyperacidity – pwede itong malunasan sa pamamagitan ng antacid.

Ulcer – may mga gamot na sadyang ginagamit upang magamot ang mga sugat ng ulcer sa sikmura

Tumor at cancer – importante na ikaw ay magpakonsulta sa doktor upang malaman ang tamang gamot para rito

Sintomas

Iba iba ang sintomas na pwedeng maranasan ng isang tao.

Palaging nasusuka pagkatapos kumain

Naduduwal sa nalipasan ng gutom

Pagkakaroon ng kabag at palaging dumidighay

Pagsakit ng tiyan at naduduwal

Papayat Ba Ako Sa Pagususka ng Madalas?

Maaaring hindi ito agaran ngunit ang madalas na pagsusuka ay pwedeng makapagpahina sa iyong katawan. Palagi mong ilalabas ang iyong mga kinakain dahilan upang di mo makuha ang sapat na sustansya. Ito rin ay posibleng humantong sa dehydration o kakulangan sa tubig ng katawan.

Ano Ang Mga Pagkain na Dapat Iwasan

Hangga’t maaari, umiwas muna sa mga pagkain gaya ng maasim, maalat at mamantika. Uminom din ng sapat na tubig upang hindi matuyuan. Kung ang iyong pagkain ang dahilan ng pagsusuka, maaaring ito ay may epekto sa iyong stomach acid. Dapat iwasan ang mga may caffeine gaya ng kape, tsaa, softdrinks at chocolate.

Mga Pagkain na Nakakaduwal

Ilan sa mga ito ay pwedeng malalansa, matapang ang amoy, mabahong pagkain o kaya naman ay mga pagkain na di pangkaraniwan. Ngunit ang isang tao na may problema sa sikmura ay pwedeng maduwal pagkatapos kumain.

Doctor Para sa Naduduwal

Ang doctor para sa naduduwal ay isang gastroenterologist kung ito ay dahil sa tiyan. Siya ay expesyalista sa digestive system. Ngunit ang may ibang klase ng doctor na dapat konsultahin kung hindi sa tiyan ang dahilan ng iyong pagduduwal.

error: Copyright Protected!