Ang mga mata mo ba ay palaging nagluluha kahit hindi ka umiiyak? May mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Kailangan mong mapatingin ito sa doktor kung ang sintomas ay may kasamang pananakit o panlalabo ng paningin.
Mga Posibleng Dahilan at Sanhi
Ang kusang pagluluha ng mata kahit hindi umiiyak ay posibleng dahil sa stress, sintomas ng anxiety, infection at pagod. Important na malaman mo ang eksaktong dahilan nito lalo na kung ito ay may kasamang pamumula at pangangati. Sa English, ito ay tinatawag ding watery eyes.
Minsan, ang sanhi na ito ay pwedeng magpaluha sa mata kahit na hindi ka umiiyak. Importante na mabawasan ang iyong stress upang matigil din ang sintomas na ito.
Mga Karaniwang Sintomas ng Pagluluha ng Mata
- Palaging naluluha kahit walang dahilan
- Mahapdi ang mata at nagluluha
- Nagtutubig na paligid ng mata
- Mabigat na talukap ng mata at parang inaantok
- Masakit na mata at may panlalabo ng paningin
Ang impeksyon sa mata ay pwede ring magdulot ng pagluluha nito. Ang isan uri nito ay malalang sore eyes na kung saan napupuno ng bacteria ang mga mata. Ito ay pwedeng may mahapdi at makating pakiramdam maliban sa pagluluha.
Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin?
Ang isang ophthalmologist ay ang doktor na tumitingin sa mga problema sa mata. Kung ikaw ay dapat magpakonsulta sa isang doktor, alamin kung ano ang dapat gawin sa iyong mga sintomas.
Paano Maiiwasan Ang Sobrang Pagluha
Huwag hawakan ang iyong mga mata kung marumi ang iyong mga kamay. Ito ang pangunahing sanhi ng problema sa mata tulad ng sore yes at iba pang impeksyon.
Gamot at Lunas sa Palaging Nagluluha
Karaniwang ang lunas ay depende sa iyong sintomas. Ang pagkakaroon ng sore eyes ay dapat na gamutin ayon sa binigay na reseta ng doktor. May mga pinapatak na gamot at creams na pwedeng ilagay sa mata kung ito ay nireseta ng doktor.
Sa isang banda, ang pagbabawas sa stress ay nakakatulong din upang mawala ang sintomas na ito. Kung palagi kang lumuluha, ugaliin na magdala ng malinis na pamunas gaya ng tissue o panyo. Hangga’t maaari, huwag hahawakan ang mga mata lalo na ang mga kamay ay marumi.