Palagi ka bang naghihikab? Ito ay maaaring senyales ng isang kondisyon sa kalusugan. Ngunit importante na malaman muna kung ano ang tunay na dahilan ng madalas maghikal.
Dahilan ng Madalas Na Paghihikab
Ang madalas na paghikab ay maaaring isang normal na reaksyon laman sa antok. Ngunit may ilang posibleng dahilan kung ito ay madalas mangyari at hindi mapigilan. Ilan sa mga ito ay fatigue, depression, side effects ng iniinom na gamot o kaya naman ay sleep disorders.
Related: Dahilan ng Palaging Inaantok
Mga Karaniwang Sintomas
Ang ilan sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- Madalas na paghikab kahit kumpleto sa tulog
- Hindi mapigilan ang paghikab kahit saan
- Tuloy tuloy na paghihikab
- Naghihikab pagkatapos kumain
- Naghihina at palaging humuhikab
Gamot Para sa Hikab
Kung ikaw ay madalas maghikab, importante na ito ay malaman ng isang doktor. Makabubuti kung ikjaw ay magpapa check up para malaman ang tunay na dahilan nito. Pwede kang bigyan ng tests o gamot depende sa dahilan ng iyong sintomas.
Doctor Para sa Hikab
Ang paghikab ay isang natural na paraan para magkaroon ng magandang balanse ng oxygen at carbon dioxide sa katawan. Pwede kang sumangguni sa isang doctor gaya ng family medicine o general medicine. May mga esesyalista din na kung tawagin ay sleep doctor.
Masakit Kapag Humihikab
May ilang health concerns na pwedeng makaapekto sa hikab. Ang ilang tao ay nakakaranas ng pain o pagsakit sa mga bahagi ng katawan kapag humihikab. Ilan sa mga ito ay masakit na dibdib, tiyan, leeg o hirap sa paghinga. Ipaalam agad sa doctor para malaman ang dahilan nito.
References: Healthline, Medicalnewstoday