Ang kabag ay ang pagpasok ng hangin sa sikmura. Nangyayari ito sa ilang dahilan gaya ng hyperacidity sabi ng Unilab.
Hyperacditiy – ito ay pagkakaroon ng madaming hangin sa loob ng tiyan dahil sa acid. Kung ikaw ay palaging nalilipasan ng gutom, pwede kang magkaroon ng hangin sa loob at mananatili ito hanggang sa ikaw ay dumighay o umutot. Ang hyperacidity ay pwede ring may kinalaman sa stress, sakit sa sikmura, ulcer at mga kinakain.
Ang maling paghinga ay nakakadulot rin ng kabag. Ito ay mga hangin na na-trap sa loob ng tiyan na nagdudulot ng pakiramdam na palaging puno.
- Parang palaging puno ang loob ng tiyan
- Masakit na tiyan na parang busog
- Laging dumidighay
- Laging umuutot
- Matigas ang tiyan at may tunog kapag pinipitik
Ang kabag ay panandalian lamang. Kung ang hangin ay iyong mailalabas, ito ay mawawala rin. Ngunit ang araw araw na kabag ay dapat na matingnan ng isang doktor. Ito ay posibleng may kinalaman sa isang sakit.
May ilang karamdaman na pwedeng maging sanhi ng kabag at ito ay ang gastroenteritis, cancer, ulcer, chronic hyperacidity at diarrhea. Dapat mo ring bantayan ang iba pang sintomas gaya ng lagnat, paninikip ng paghinga, pagdumi ng may dugo, hirap sa pagdumi at paninilaw ng balat at mata.
Ang kabag ay nangyayari sa loob ng sikmura. Ang doktor na eksperto dito ay tinatawag na gastroenterologist. Kung ang iyong mga sintomas ay hindi naman malala, pwede ka ring magpatingin sa isang general medicine na doktor.
Gamot
May ilang gamot na pwedeng magpakalma ng sikmura o magtanggal ng asido. Kung ikaw nagdurusa sa ganitong sintomas, pwede kang magtanong sa botika ng mura at mabisang antacid.
May ilang pagkain na nagdudulot ng sobrang kabag sa tiyan. Ang mga sumusunod ay dapat na iwasan:
- Alak o alcoholic drinks
- Carbonated drinks gaya ng softdrink
- Caffeine drinks gaya ng kape, tsaa
- Chocolate
- Maasim na pagkain
Kung ang iyong kabag ay tumatagal na ng ilang araw, dapat kang kumonsulta sa isang doktor at magpatingin. Ilan sa posibleng gawin na mga test ay ultrasound, endoscopy or kaya fecalysis.