Ang mata ay pwedeng maimpeksiyon. Ilan sa mga sumusunod ay ang posibleng dahilan ng pananakit at paghapdi nito:
- Sore eyes
- Conjunctivitis Asthma
- Dumi sa mata
- Injury
- Puwing
- Kakulangan sa tulog
- Impeksiyon
- Polusyon gaya ng usok ng sigarilyo
- Insekto sa loob ng mata
Ayon sa Cleveland Clinic, pwede rin itong isang sintomas ng allergy. Sinubukan kong kumonsulta sa doktor at ang tanging diagnosis ay dry eyes.
Madalas tayo mag-computer o mag cellphone. Sa akin, laging humahapdi ang mata ko kapag nasa 4 hours na straight ako nasa computer. Ikaw rin ba?
Ang solusyon upang mapawi ang mahapding mata ay depende sa klase ng sakit at problema na nagdulot nito. Kung ikaw ay may sore eyes, ito ay pwedeng lagyan ng gamot na eye drops na ibibigay ng isang doktor.
Kung ikaw naman ay mayroong dumi, pwede itong mahugasan ng tubig.
Samantala, ang problema sa mata na may kinalaman sa impeksiyon, katandaan, tumor at iba pang sanhi ay dapat na ikonsulta sa isang doktor.
Babala
Importante na wag kuskusin o kusutin ang mata dahil lalo nitong mapapalala ang sitwasyon. Ang pagkuskos ng mata ay mapanganib dahil pwede nito masira ang malambot na mata at magkaroon ng problema sa paningin.
Ang isang ophthalmologist ay pwedeng konsultahin tungkol dito. Importante na ito ay ipa check up kung may pamumula, nangangati o kaya naman ay masakit kapag hinahawalan.
References from Mayoclinic