Pwedeng bumili ng anti warts cream. May available na brand na makikita sa mall at mga botika. Pwede rin pumunta sa mga skin salon na nag-ooffer ng warts removal. Mas mahal ang mga session dito pero instant ang resulta.
Marami sa atin ang may maliliit na warts sa mukha. Ikaw ay pwedeng meron nito sa pisngi. Tingnan mo sa salamin at sa leeg meron din. Paano ba ito tinatanggal? Tingnan natin ngayon ang mga paraan.
May warts removal din sa mga clinic ng doctor na dermatologist. Dito, makakasiguro ka na tanggal ang lahat ag iyong kulugo.
Ano Ang Itsura
- Ito ay madalas na maliliit na umbok sa balat.
- Nakikita ito sa pisngi, sa talukap ng mata, noo, baba, malapit sa ilong, leeg at batok.
- Pwede rin ito tumubo sa gilid ng mukha at sa kilay.
- Karaniwang kulay nito ay brown at madalas na halos tuldok lang ang itsura ng mga ito.
Bakit Meron Nito
Ito ay madalas na may kinalaman sa virus na nasa iyong katawan. Ang warts ay sanhi ng virus na nagbibigay ng umbok sa balat na pwedeng tumubo kahit saang parte.
Ang isang klase ng warts o kulugo at tumutubo lamang sa mga ari ng babae at lalaki. Ito ay tinatawag na genital warts na sanhi ng HPV o Human Papilloma Virus ayon sa Healthline. Ito rin ang pwedeng maging sanhi ng cervical cancer sa mga babae.
Magkano Ito
Ang mga cream na mabibili ay may kamahalan na nagsisimula sa 2,000 pesos. Dati, may na-avail ako na treatment sa isang sikat na clinic. Gumagamit sila ng acid mula sa kasoy pero nasa 3,800 ang whole package.
Sa mga facial salon naman ay per pirsao ang bilang at bayad. Sa doctor na dermatologist, pwede kang humingi ng package para tanggalin lahat ng warts sa katawan na madalas ay nasa kilikili at singit.
Pagkain Na Bawal
Madalas ang warts ay hindi dahil sa pagkain. Ito ay dahil sa virus na pwede ring mahawa sa pagdikit sa isang tao na meron nito. Ang pagkain ng masustanisya ay dapat ugaliin upang maging malakas ang iyong resistensiya.
Paano Nakukuha ang Kulugo na Maliit
Ito ay nakukuha sa pagdikit sa taong meron nito. Ang isang klase naman ng warts ay nasa dugo na ng tao na kusang lumalabas sa balat. May mga klase ng warts na nakakahawa dahil sa pakikipagtalik na isang uri ng STD