Paano Gamutin Ang Malakas Na Hilik

Naghihilik ka ba palagi kapag natutulog? Importante na ito ay mahinto dahil ang sobrang paghihilik ay pwedeng dahil sa karamdaman sa iyong paghinga. Ang paghilik ay maaaring normal lamang kung ito ay hindi nakakaabala sa iyong pagtulog. Ngunit ito rin ay posibleng maging dahilan ng ibang kondisyon.

Ano Ang Dapat Gawin Sa Sobrang Paghihilk?

Ang malakas na hilik tuwing natutulog ay pwedeng maging sanhi ng ilang sakit. Ayon sa pag-aaral, maaari nitong mapataas ang risk ng heart attack at stroke.

Kung ikaw ay malakas maghilik tuwing gabi, dapat mong malaman ang sanhi nito.

Ilan sa posibleng sanhi ay:

  • Pagiging mataba o obese at overweight
  • Pagkakaroon ng sleep apnea
  • Pagod at stress
  • Kulang sa tulog at puyat
  • Pamamaga ng lalamunan
  • Tonsillitis
  • Pag-inom ng alochol drinks

Ano Ang Dapat Gawin

Paano ginagamot ang hilik? Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor para malaman ang sanhi ng iyong hilik. May mga sleep test na pwedeng ipagawa sa iyo para malaman ang dahilan ng iyong paghihilik. Kung ikaw ay may doktor na general medicine o family medicine, maaari kang humingi ng referral.

May mga instrumento na pwedeng makatulong para mabawasan ang hilik. Ilan sa mga ito ay unan, sleep apnea devices, dental splint at iba pa. Alamin mula sa doktor kung ano ang pwedeng gamot sa paghihilik.

Minsan, ang simpleng pagtama sa posisyon ng iyong ulo sa pagtulog ay nakakabawas na ng paghihilik sa pagtulog.



Last Updated on July 2, 2018 by admin

Home / Problema sa Pagtulog / Paano Gamutin Ang Malakas Na Hilik