Nauubo Pagkatapos Kumain – Samid at Nabilaukan

Kapag ang tao ay laging nauubo matapos kumain, pwede itong dahil sa problema sa lalamunan. Ngunit may ilang pagkakataon na kung saan ang sanhi ay nasa sikmura. Baki ako nauubo pagkatapos kumain? Ito ang dapat mong malaman upang makahanap ng lunas.

Ano Ang Mga Sintomas Nito?

  • Palaging nauubo matapos kumain
  • Nasasamid at nabibilaukan pagkakain
  • Hindi makahinga matapos kumain
  • May ubo palagi kapag uminom ng tubig

Ano Ang Pwedeng Dahilan Nito?

Ang pag-ubo ay normal na proseso ng katawan kapag ang lalamunan o daluyan ng h angin ay may iritasyon. Ito ay pwedeng dahil sa impeksyon at pagkakaroon ng plema. Ngunit may ilang dahilan sa sikmura kung bakit ito nangyayari. Isa rito ay ang mataas na acid. Ang hyperacidity ay pwedeng magdulot ng pag-ubo lalo na kapag umakyat na ang sobrang acid mula sikmura papuntang lalamunan.

Kapag ikaw naman ay nasasamid, pwede itong dahil sa hindi normal na pagsara ng daluyan ng hangin papunta sa iyong baga kapag ikaw ay lumulunok. Ito ay pwedeng mangyari kapag kumakain o umiinom.

Paano Ito Ginagamot?

Ang pagkakaroon ng mataas na acid dahil sa hyperacidity o acid reflux ay pwedeng malunasan ng antacids. Ito ay nabibili sa botika kahit walang reseta. Kung ikaw ay palaging may ganitong kondisyon, dapat na magpa-check up sa isang doctor upang malaman kung ano ang dahilan nito. Ang pagkakaroon ng hyperacidity ay madalas dahil sa stress, pagppupuyat, pagkain ng maasim, pagkain ng may caffeine contents gaya ng kape, chocolate at softdrinks.

Ano Ang Doktor Para sa Nasasamid?

Kung ito ay may dahilan gaya ng hyperacidity, ang gastroenterologist ay ang tamang doktor na dapat kausapin. Ngunit kung ito ay may kaugnayan sa paghinga o baga, pwede itong ipatingin sa isang pulmonologist.