Home » Natusok Ng Bubuyog at Putakti – Ano Dapat Gawin

Natusok Ng Bubuyog at Putakti – Ano Dapat Gawin

Nakagat ng bubuyog? Ang bubuyog at putakti ay hindi nangangagat ngunit pwede ka nitong tusikin mula sa kanilang puwet. Ang mga insekto na ito ay masakit kapag umatake sa tao at dapat mong alamin kung ano ang dapat gawin.

Mga Dapat Gawin Sa Kagat ng Bubuyog at Putakti

Ang dalawang insekto na ito ay tumutusok ng kanilang kalaban kasama ang tao. Kapag ang buntot nito ay idnikit sa balat, ito ay nagiiwang ng stinger na siyang parang karayom na tumutusok.


Mahapdi kapag nakagat o natusok ng bubuyog, pukyutan o putakti. Narito ang ilan sa first aid.

  • Pagpahingahin ang pasyente
  • Huwag lagyan ng suka gaya ng nakagawian
  • Importante na tanggalin agad ang stinger o panusok gamit ang tyane.
  • Lgyan ng yelo o ice pack ang natusok na bahagi
  • Bantayan kung magkakaroon ng allergic reaction ang biktima

Nakakamatay Ba Ang Kagat ng Bubuyog?

Ang mismong venom ng bubuyog at putakti ay mahina lamang. Ngunit ang reaksyon ng katawan dahil sa allergy ay pwedeng makamatay lalo na kung may kasamang paninikip ng paghinga. Dalhin agad sa doktor ang biktima kapag nangyari ito.

Ano Ang Epekto Kapag Nakagat ng Bubuyog?

Posibleng mangyari ang mga ito:

  • Namumula at mahapdi na kagat ng bubuyog
  • Nainikip ang paghinga
  • Nahihilo at sumakit ang ulo
  • Nagkaroon ng pantal pantal

Kusa ring nawawala ang sakit mula sa tusok ng bubuyog. Ngunit kung may allergic reaction, pumunta agad sa isang doktor o animal bite center lalo na kung ang nabiktima ay sanggol o matanda.

error: Copyright Protected!