Nakagat Ng Aso – Mga Dapat Gawin

Nakagat ka ba ng aso? Importante na malaman mo kung ano ang dapat gawin upang makaiwas sa posibleng impeksyon o kaya rabis. Ang aso na may rabies ay dapat na iwasan dahil posible itong makahawa sa tao kapag nakagat nito.

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nakagat Ng Aso?

Narito ang ilang first aid kapag nakagat ng aso. Importante na hugasan kaagad ang parte ng katawan na nakagat. Ang sugat na galing sa kagat ay dapat na bantayan dahil maaaring ang hayop ay may rabies.


Sinasabing ang paggamit ng sabon na panlaba ay mas mabisang panghugas ng sugat mula sa kagat ng aso dahil mas matapang ito.

Huwag tatakpan o tatalian ang sugat dahil baka lalo lang ito lumala. Hindi rin nirerekomenda na paduguin ang sugat dahil lalo itong lalaki.

Pahiran ng povidone iodine ang sugat para makaiwas sa ibang impeksyon.

Pwede Ko Ba Pahiran ng Bawang?

Walang scientific basis na mabisa ang bawang laban sa rabis. Hindi epektibo ang bawang laban sa rabies dahil ito ay isang virus.

Importante na pumunta sa isang doktor upang siya ang magrekomenda kung ikaw ay dapat bigyan ng rabies vaccine o hindi. Madalas, ito ay nirerekomenda ng doktor kahit na may bakuna ang aso kung ito ay iyong alaga.

Mga Sintomas Ng Sugat Na May Rabies Mulas Sa Kagat ng Aso

  • Ang sugat na may rabis ay pwedeng:
  • May namamanhid na pakiramdam sa sugat mula sa kagat
  • Naninigas na kalamnan o pinupulikat
  • May lagnat
  • Parang napaparalisa
  • Natatakot sa tubig o kaya hangin

Magmadaling pumunta sa doktor kapag ikaw ay may mga posibleng sintomas ng rabies matapos makagat ng aso.

Anong Hayop Pa Ang May Rabies?

Ang rabis ay pwede ring manggaling sa ibang hayop gaya ng pusa, paniki at daga. Ang kalmot ng pusa, kagat ng daga at kagat na paniki ay pwedeng magdulot ng rabies infection.

May Gamot Ba Sa Rabies?

Ang bakuna o vaccine ang pinakamabisang solusyon laban sa rabies. Kung hindi mo alaga ang hayop na kumagat sayo, pumunta agad sa doktor upang magpabakuna. Kung alagang aso mo ang kumagat, importante na ito ay kumpleto sa vaccine kasama ang rabies. Ngunit dapat ka pa rin kumonsulta sa doktor.

Nakakamatay Ba Ang Kagat Ng Aso?

Kung ito ay may rabies, maaari itong makamatay kapag lumala at umabot sa utak.

error: Copyright Protected!