Dumudugo Na Ari Ng Babae – Mga Sanhi At Lunas

Ang iyong ari ba ay dumudugo? Maliban sa pagkakaroon ng buwanang dalaw sa mga babae, ang pagdurugo ng walang dahilan ay posibleng may kinalaman sa isang karamdaman. Kung ito ay nangyayari sa iyo kahit na ikaw ay menopause na, dapat mo itong ipakonsulta sa isang OB Gyne.

Bakit Dumudugo Ang Ari Ko?

Sa isang babae, ang dumudugo na puwerta o puki ay maaaring may dahilan at may relasyon sa kalusugan. Ilan sa mga posibleng dahilan ay ang mga sumusunod:


Nasugtan Ang Puki Sa Pakikipagtalik – Ang pakikipag sex ay pwedeng magdulot ng pagdurugo sa ari ng babae. Ito ay pwedeng masugatan depende sa aktibidad na gagawin ng mag partner.

May Impeksiyon – May ilang impeksyon na STD o sexually transmitted disease na pwedeng magdulot ng pagdugo sa puke ng babae. Ang pakikipagtalik sa iba’t ibang partner ng walang proteksiyon ay pwedeng magdulot ng sakit.

Cancer o Tumor – may ilang pagkakataon na kung saan ang pagdurugo sa ari ng babae ay may relasyon sa tumor. Ang ilan sa mga dapat bantayan na dahilan ay cervical cancer, ovarian cancer at cancer of the uterus.

Importante na bantayan ang kalusugan kapag ikaw ay menopause na. Ang biglaang pagdurugo kahit ikaw ay menopause na ay dapat imbestigahan at ipa konsulta sa doktor. Hindi pangkaraniwan na magkaroon ng regla kapag menopause na ang isang babae.

Pagbubuntis – may ilang babae na hindi alam na sila ay buntis. Kung ang biglaang pagdurugo ay dahil sa pagbubuntis, dapat itong ikonsulta agad sa doktor.

Gamot Sa Pagdurugo

Ang pagdugo ng kahit anong bahagi ng katawan ay nangangailangan ng agarang solusyon. Dapat na magpa check up sa doktor lalo na kung ang sintomas ay nangyayari na sa maraming araw. Ang pananakit ng kahit anong bahagi ng katawan ay dapat ring bantayan.

Ano Ang Doktor Para Rito?

Ang isang OB Gynecologist na doktor ang eksperto sa kalusugan ng isang babae. Maraming magagaling na Gynecologist sa mga ospital na malapit sa’yo. Makakatulong rin kung ikaw ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng iyong kalusugan.

 

error: Copyright Protected!