Naninigas Na Daliri: Sanhi at Lunas

Nararamdaman mo ba ang paninigas ng daliri sa kamay at paa? Kung hirap kang igalaw ang mga ito, dapat mong alamin ang dahilan upang makakuha agad ng lunas.

Ito Ba Ang Sintomas Mo?

  • Matigas na daliri at joints sa kamay at paa
  • Hindi maikilos o mabaluktot ang mga daliri sa umaga
  • Masakit kapag kinikilos ang mga daliri

Posibleng Dahilan

Arthritis

May ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng matigas na daliri. Isa sa madalas na dahilan ay arthritis. Kung napapansin mo ang paninigas sa umaga o kaya kapag malamig ang panahon, ito ay pwedeng dahil sa arthritis.

Kaugatan

Kung ikaw ay may damage sa nerves o kaya naipitan ng ugat malapit sa siko, ang mga daliri ay pwedeng tumigas. Ayon sa Johns Hopkins, pwede itong mangyari kapag naipit ang ulnar nerves sa siko.

Stroke

Ito ay isang emergency situation na dapat ikonsulta agad sa doktor. Kung may iba ka pang sintomas na nararamdaman gaya ng pagkabulol, pag-ngiwi ng mukha, hirap sa pagsasalita, panghihina ng isang bahagi ng katawan gaya ng braso at kamay, pumunta agad sa emergency room ng ospital.

Gamot Sa Matigas na Daliri

Kung ito ay sanhi ng arthritis, may ilang gamot na pwedeng ibigay ang doktor ngunit importante na ito ay may reseta. Ang ilan naman at gumagamit ng pain reliever para sa kanilang mga pasyente kung ito ay masakit, ito rin ay kailangang ikonsulta sa doktor.

Ang pagbabago sa diet at lifestyle ay makakatulong rin gaya ng pagpapababa ng uric acid. Kung ikaw ay may kakayanan na masahehin ang iyong daliri, pwede rin itong makatulong. Ang paninigas ng daliri sanhi ng stroke ay isang emergency it importante na ito ikonsulta agad sa doktor.

Daliri sa Paa

Ang mga daliri sa paa ay pwede ring manigas kung ikaw ay may arthritis. Ito ay ikonsulta sa doktor kung may iba ka pang sintomas gaya ng pagkawala ng pakiramdam at pananakit kapag naglalakad.

Minsan, hindi natin namamalayan na ito pala ay isang uri ng pulikat. Kapag madalas ito mangyari, mabuting itanong din sa doktor kung ano ang pwedeng gawin.



Last Updated on August 21, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Naninigas Na Daliri: Sanhi at Lunas