Madalas ka na ba makaranas ng biglang nagigising sa gitna ng pagtulog? Kung ikaw ay naiistorbo ng ganitong pangyayari, may mga ilang dahilan at lunas na dapat mong malaman. Ang pagtulog ay importante ay dapat ito ay tuloy tuloy habang ikaw ay nagpapahinga.
Ano Ang Mga Sintomas
- Hindi makabalik sa tulog kapag nagising
- Hinihingal at biglang gising sa gabi
- Biglang nagigising tuwing madaling araw
- Biglang nagigising sa gitna ng gabi
Ano Ang Posibleng Dahilan
Isa sa maaaring dahilan ng biglang nagigising sa gabi ay ang pagkakaroon ng stress. Kung ikaw ay palaging stressed out, hindi ka makakatulog ng mahimbing at pwede kang magising sa madaling araw.
Isa pang posibleng dahilan ay pagkakaroon ng masasamang panaginip o minsan ay bangungot. Kung ikaw ay may problema, depressed o stressed out, pwede kang managinip ng masasama.
Lunas Para sa Palaging Nagigising Sa Gabi
Ang pagkakaroon ng relaxed na buhay ay makakatulong para ikaw ay makatulog ng mahimbing. Ang pagtulog sa gabi ay dapat na tuloy-tuloy at dapat mong malaman kung paano ka makakatulog ng mahimbing.
Uminom ng gatas. Ito ay makakatulong para mas maging relaxed ang iyong pakiramdam dahil meron itong melatonin. Pwede ka ring magbasa muna ng libro na walang litrato para mas maging relaxed ang iyong mata. Itabi sa malayo ang iyong computers o cellphone. Ang mga ito ay pwedeng makasagabal sa iyong pagtulog.
Bakit Palagi Akong Puyat?
Ang kakulangan sa pagtulog ay nangyayari kapag ikaw ay napupuyat. Ito ay maraming sanhi gaya ng pagkakaroon ng stress, problema, imbalance sa hormones o kaya naman ay maling pagkain. Kung ikaw ay nagkakaroon na ng mga sintomas gaya ng pagkakasakit, pagbaba ng timbang o depression, kumonsulta sa isang doktor.
Gamot Pampatulog (Sleeping Pills)
Safe ba ang sleeping pills? Ang mga gamot na ito ay dapat na may reseta ng isang doktor upang makasiguro na ikaw ay magbebenepisyo sa mga ito. Maaaring may ilang side effects ang mga na dapat mong malaman bago inumin.