May Dugo Sa Tae

Ang pagkakaroon ng dugo sa dumi ay madalas na nakikita agad ng mata at posibleng ito ay dahil sa isang sugat sa loob. Hindi tulad ng sa ihi, ang dugo ay kita kaagad a mapula o kay naman ay maitim. May ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng dugo sa iyong pagdumi ayon sa Anderson.

  • Pagdurugo kapag tumatae
  • Hirap dumumi na may dugo
  • Mapulang tae
  • Kulay dark brown o itim na tae
  • Dumi na may buo buong dugo
  • Buhay na dugo sa dumi

Ulcer

Ito ay sugat sa loob ng sikmura na may kinalaman sa mataas na asido dahil sa hyperacidity o iba pang karamdaman. Ang pagkakaroon ng sugat dito ay pwedeng magresult sa dumi na dark brown, o kasing itim ng alkitran.

Colon Cancer

Ang colon cancer ay ang pagkakaroon ng tumor sa colon o malaking bituka. Kapag ito ay masyado nang malaki, pwede itong magkaroon ng punit na siyang nagbibigay ng dugo sa tae.

Pumutok na Ugat

Ang pagputok ng anumang ugat sa loob ng sikmura o bituka ay pwedeng magdulot ng dugo. Ito ay madalas na dark brown at pula kapag nakikita ang dumi sa kubeta.

Almoranas

Ang pagkakaroon ng almoranas ay nagdudulot rin ng pagdugo. Madalas, ito ay kulay pula dahil sariwa pa ang sugat na pinanggagalingan nito.

Pagkakaroon ng Sakit

Ang internal bleeding ay pwede ring magdulot ng dugo sa dumi ng tao. Ito ay posibleng mangyari dahil sa sakit, isang halimbawa ay ang Dengue.

Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor kung palagi kang may ganitong sintomas. Ang sugat sa ulcer ay nagagamot kung ito ay bibigyan ng atensiyon nang mas maaga. Ngunit kapag ito ay pinbayaan, maaari itong magdulot ng komplokasyon.

Para sa colon cancer, karaniwang ginagawa ang surgery upang putulin ang tumor sa loob. Madalas na ang taong may ganitong sakit ay nababawasan ang timbang, walang ganang kumain, nagbabago ang hugis at itsura ng dumi.

Maaari ring magbigay ang doktor ng gamot at treatment gaya ng radiation o chemotherapy.

Almoranas

Ang almoranas ay napapagaling din ng doktor. Kung ikaw ay meron nito, umiwas muna sa mga pagkain na maanghang at anumang magpapairita sa iyong puwet. Huwag rin puwersahin ang pag-iri.

Dumi ng Bata

Ang bata ay pwede ring magkaroon ng dugo sa kanyang dumi. Sa isang sanggol, ito ay maaari ring mangyari dahil sa ilang sakit. Dapat na pumunta agad sa doktor kapag ito ay nangyari.