Masakit Sa Loob Ng Ilong – May Sugat Ba

May sumasakit ba sa loob ng ilong mo? Minsan, ang pagkakaroon ng sugat dito ay pwedeng magdulot ng masakit na pakiramdam. Ngunit may ilang kondisyon na kung saan ito ay pwedeng mangyari dahil sa tumor. Kung ikaw ay may problema sa ilong, importante na malaman mo ang dahilan.

Sintomas

Ang sintomas na nararamdaman mo bilang pananakit ay posibleng sanhi ng sugat. Ilan sa mga sintomas ay:

  • Masakit kapag hinahawakan ang loob ng ilong
  • May konting dugo sa kulangot at mahapdi ang loob
  • Hirap sa paghinga dahi sa mahapding ilong

Dahilan At Sanhi

Ano ang posibleng dahilan ng masakit na ilong? Isa sa karaniwang sanhi ay pagkakaroon ng sugat. Kung ito ay nasugatan dahil sa kuko, maaari itong dumugo at magkaroon ng mahapding pakiramdam.

Sa isang banda, ang pagkakaroon ng tumor o cyst sa loob ng ilong ay pwedeng maging sanhi ng pagdurugo, sakit ay hirap sa paghinga. Ang taong madalas manigarilyo o kaya yung palaging nakakaamoy ng masamang kemikal ay mattas ang chance na magkaroon ng tumor sa loob.

Ano Ang Dapat Gawin?

Kung ang simpleng sugat lang ang dahilan, ito ay dapat lamang na pagalingin. Huwag munang galawin ang loob ng ilong hanggang sa ito ay gumaling. Kung may nakakapa kang bukol o kaya naman kung ito ay palaging may dugo, importante na matingnan ito ng isang doktor.

Ilong Ng Bata

Sa mga bata, ang pagdurugo ng ilong ay pwede ring mangyari kapag sila ay nagkaroon ng allergy sa isang amoy ng kemikal. Kung napapansin mo na may dugo sa ilong ng iyong anak o kung siya ay nagrereklamo na masakit, ito ay dapat na ipakonsulta sa isang doktor.



Last Updated on March 23, 2018 by admin

Home / Problema sa Ilong / Masakit Sa Loob Ng Ilong – May Sugat Ba