Tusok Sa Dibdib Kapag Humihinga Ng Malalim

Masakit ba ang dibdib mo kapag humihinga? Kung ito ay madalas na mangyari sayo, dapat kang magpatingin sa isang doktor. May ilang karamdama na delikado na pwedeng sanhi ng dibdib na sumasakit kapag humihinga.

Anong Sintomas Meron Ka?

Ang mga tao na may ganitong sintomas ay maaaring iba iba ang nararamdamang pananakit. Ilan sa mga posibleng sintomas nito ay:


  • Masakit sa gitna ng dibdib kapag humihinga
  • May parang tumutusok sa dibdib (kaliwa o kanan) kapag nag-iinhale
  • Masakit na buong dibdib kapag may malalim na paghinga

Ano Kaya Ang Sanhi Nito?

Minsan, ang pakakaroon ng muscle tension ay pwedeng magdulot ng masakit na dibdib. Ngunit kung ikaw ay humihinga ng malalim at patuloy na parang tumutusok at humahatak na sakit sa loob, ito ay maaaring dahil sa baga.

Ano ang sakit na pwedeng magdulot nito? Ang pagkakaroon ng lung cancer o tumor sa baga ay pwedeng magkaroon ng katulad na sintomas. Ngunit hindi mo dapat isipin na dahil meron kang ganitong sintomas ay meron ka nang cancer. Ang doktor lamang ang pwedeng magbigay sa iyo ng diagnosis kung ano ang iyong sakit.

Kung ang dibdib mo naman ay masakit na tila nanggagaling sa buto, ito ay pwede namang dahil sa arthritis. May  mga kondisyon sa dibdib na nagpapasakit nito kapag gumagalaw ang rib cage at diaphragm.

Sa isang banda, ang madalas na pag-ubo ay pwede ring magdulot ng masakit na chest. Ito ay dahil nasasanay ang muscles ng dibdib na laging nagagalaw kapag umuubo, na nagiging dahilan ng pananakit.

May Lunas Ba

Ang isang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng gamot para sa iyong sakit. May ilang test na ipapagawa ang doktor gaya ng pakikinig sa iyong hininga, pagpapagawa ng X-ray o kaya naman ay ct scan o MRI.

Pagkatapos ng mga test, maaari siyang magbigay ng impormasyon kung ano ang dahilan ng iyong sintomas. Dito pa lamang siya magbibigay ng gamot para malunasan ito. Sa kahit anong problema sa paghinga, importante na kumonsulta agad sa doktor dahil ito ay kritikal na bagay.

error: Copyright Protected!