Ang suso ay maaaring sumakit dahil sa pagkakaroon ng bukol, cancer o kaya naman ay infections. Madalas na mga babae ang posibleng makaranas nito. Ngunit ang mga lalaki ay pwede ring magkaroon ng ganitong sintomas.
Babae
Ang breast cancer ay isa sa mga kinakatakutan na sakit ng mga babae. Ang sintomas ng kanser na ito ay maaaring magsimula sa isang bukol na pwedeng makapa sa dibdib o suso. Kung ito ay may pananakit na kasama, mabuting ipatingin ito sa doktor.
Lalaki
Ang sanhi ng sakit sa suso ng lalaki ay maaari ring may kinalaman sa cancer. May ibang lalaki na nagkakaroon ng breast cancer ngunit ito ay may mababang tsansa lamang.
Ayon sa MSD Manuals, posible rin na ito ay dahil sa gyunecomastia dahil sa hormonal imbalance. Ito ang mga natirang taba sa dibdib ng lalaki na mula pa sa teenage years.
Nung nasa teenage years pa ako, masakit ang dede sa gilid kapag nabubunggo.
Gamot Para Sa Pananakit
Ang gamot para sa masakit na dede ay binibigay lamang ng isang doktor. Matapos magpagawa ng test, may mga therapy, gamot o surgery na maaaring irekomenda. Ang ilan sa mga tests para sa dede ay:
- Ultrasound
- X-ray
- Mammography
Makabubuting magpacheck up at huwag uminom na gamot kung hindi mo pa alam ang sanhi ng masakit na dibdib, suso at utong.
Ang isang OB Gynecologist ay doktor para sa mga may kinalaman sa babae. Sa lalaki, pwedeng magpakonsulta sa isang internal medicine. Ang mga nasabing doktor ang siyang magbibigay ng instructions kung anong test ang dapat gawin.