Masakit ba ang pwerta mo? Sa mga babae, madalas na nagkakaroon ng ganitong problema kapag sila ay my impeksyon. Kung ito ay madalas na nangyayari sa iyo, dapat itong makita ng isang doktor o OB gyne.
Ano Ang Dahilan ng Masakit na Pwerta Ng Puke
Ang ari ng babae ay pwedeng mairitia dahil sa pisikal na pangyayari. Halimbawa nito ay ang pakikipagtalik, paggamit ng masisikip o hindi akmang panty o underwear o kaya naman dahil sa panganganak. Ang babaeng buntis ay posibleng makaramdam ng pananakit sa bukana ng ari depende sa kanyang kalusugan.
Ang vagina o ari ng babae ay posibleng sumakit dahil sa yeast infection o fungus na dumadami. Ito ya posibleng mangyari kapag humihina ang resistensya, pagkakaroon ng diabetes, hindi maayos n paglilinis ng katawan, pagkakaroon ng ilang STD gaya ng HIV at iba pa.
Ano Ang Mga Sintomas Nito?
- Masakit na pwerta
- Namumula na vagina
- Nangangati
- May pamamaga sa pwerta
- Mahapdi ang pakiramdam
- May malapot na puti sa puki o vagina
May Gamot Ba Para Rito?
Ang fungal infection gaya ng yeast infection o candidiasis ay nagagamot gamit ang anti fungal medicines. Ngunit ito ay dapat na ibigay o ireseta lamang ng doktor bago mo ito gamitin. Importante na ikaw ay magpatingin sa isang gynecologist upang malaman ang tamang treatment.
Iba Pang Sanhi
Ang sugat sa pwerta ng puki ay pwede ring maging sanhi ng pananakit nito. Kung ito ay may sugat, dapat itong gamutin. Ang ilang feminine wash ay pwedeng magtanggal ng bacteria at iba pang mabahong amoy sa ari.
Ang pagkakaroon ng stress, pagbubuntis o kakulangan sa tulog ay pwedeng maging sanhi rin ng impeksyon. Tandaan na ag pagbabago sa hormone o kaya naman pagiging menopause ay lahat na nakakaapekto sa kalusugan ng babae.
Ano Ang Mabisang Herbal o Panghugas na Sabon?
Ang ilang mga produkto na nabibili sa botika ay ginawa para sa yeast infection. Maaari kang makabili ng over the counter creams para rito. Ngunit dapat mong siguruhin na ito ay safe para sa iyo at walang side effects.