Ilan sa mga posibleng dahilan ng masakit na butas sa pwet ay almoranas o hemorrhoid, sugat, madalas na pagdumi (LBM), constipation o infection. Ayon sa Cleveland, ang pagkakaroon ng anal fissure o punit ay isang madalas na dahilan nito.
Ang mabisang gamot para sa masakit na puwet at butas nito ay depende sa dahilan. Minsan, ang simpleng bagay na pagiging malinis sa katawan ay sapat na. Pwede ring magbigay ng antibiotic ang doktor kung kailangan.
Sa isang banda, ang almoranas ay nangangailangan ng gamot o kaya suppository kung ito ay ibibigay ng doktor.
Doktor na Dapat Tanungin
Ang doktor para sa sikmura at panunaw ng pagkain ay gastroenterologist. Maaari kang makahanap ng ganitong doktor sa lahat ng ospital na malapit sa iyo.
May mga test na posibleng irekomenda ng doktor kung hindi malalaman ang sanhi ng iyong sakit. Ilan sa mga ito ay colonoscopy, digital rectal exam o ultrasound. Ang fecal test ay pwede ring ipagawa depende sa iyong doktor.
References: Mayoclinic